Mahusay na aktres, gumon na sa sugal?

BLIND ITEM: We’ve heard a lot of stories involving local stars who are hooked on gaming, mapalalaki o babae.

Pero ang kuwentong ito tungkol sa isang mahusay pa manding aktres na umano’y lulong sa sugal is one for the books.

Ayon sa aming source, on weekends daw naglalagi ang aktres na ‘yon sa isang pasugalang matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Highway sa bayan ng Rizal. Tinukoy nito ang eksaktong pangalan ng establisyimentong ‘yon, but we’d rather not mention it.

Hindi lang daw basta gumon ang aktres sa sugal, on the side ay naglalasing pa raw ito. But the worst part, nagkakandatalu-talo raw ang hitad nang as much as P50,000 sa sugal dahil hindi na niya kayang diskartehan ang kanyang mga baraha out of drunkenness.

Da who ang aktres na ‘yon na may anak ding artista? Itago na lang siya sa pangalang Joanna Garchitorena.

By Ronnie Carrasco