Mahusay at magandang aktres, kuripot sa make-up!

ADVERTISING

SINO ITONG MAHUSAY na aktres na maituturing na isa rin sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, pero may kakuriputan sa pagbili ng kanyang pang-make up para mas lalo pa siyang gumanda? Nu’ng kanyang kasikatan na milyun-milyon ang kanyang talent fee sa mga pelikulang kanyang ginagawa, may nakakatuwang kuwento tungkol sa kanya na ilang kapwa niya artista at ilang press lang ang nakaaalam.

Regular na napapanood noon ang maganda at mahusay na aktres sa isang Sunday variety show na ang main host ay ang beteranong komedyanteng ang drama ay walang tulugan. Puro patok sa takilya noon ang mga pelikula ni aktres, pero dahil tumatanaw siya ng utang na loob sa komedyante, hindi niya iniiwan ang Sunday show na iyon. Magaganda rin ang ibang aktres na kasama niya sa show, pero hindi nila puwedeng kabugin si Best Actress.

ADVERTISING

Napansin ang pagiging kuripot ni Best Actress sa kanyang pampaganda, dahil marunong siyang mag-make up sa kanyang sarili. Minsan, isang grupo ng press ang nag-interview sa kanya. Habang tsinitsika siya, ay nagre-retouch siya ng make-up. Kuntodo pahid siya ng powder sa magandang face niya. Napamulagat ang mga press nang masulyapan ang ginagamit niyang face powder. Kasi, pudpod na ang lalagyan noon sa pagkaubos, at lata na ang kinukuskos ng ispongha niya at ipinapahid niya sa mukha! Hindi man lang bumili ng bago, eh, milyones ang kinikita niya?

May asawa na ngayon si Best Actress, at milyonaryo ang napangasawa niya. May dalawa na silang anak. Walang kupas ang kanyang kagandahan, at walang niretoke sa mukha niya. Ang tanong: Nagtitipid pa rin kaya siya ngayon sa pagbili ng mga pampaganda? Clue: Nagmula sa puso ang lalim ng acting niya, kaya napakahusay niya. ‘Di ba, Erick John Salut?

(By Melchor Bautista)

ADVERTISING
ADVERTISING