Mahiyaing singer-actress at guwapong singer, nagtsuktsakan sa van mula manila hanggang Baguio!

ADVERTISING

 

SIKAT NA SIKAT ang singer-actress na bida sa ating kuwento ngayon. Itago na lang natin siya sa screen name na Amalia Nocum. Gumawa talaga siya ng sariling kuwento ng kasikatan na siya lamang ang may kaya. Pero, kahit na narating niya ang tugatog ng tagumpay, marami ang bilib sa kanyang lugali, dahil hindi siya mayabang. Sobra siyang mahiyain. Hitsurang kailangang palakasin mo muna ang kanyang loob bago siya umakyat sa entablado para kaumanta.

ADVERTISING

‘Yung sobrang pagiging mahiyain, kimi at kasimplehan ni Amalia ay may nakatago palang lihim. Mahilig pala siya sa sex.  Mahilig siya sa mga lalaking pang-romansa na mga astig ang dating. Hindi rin siya kumikilos para mang-akit ng mga kalalakihan. Maraming pera si Amalia, kaya hinahatagan niya ng datung ang mga kaibigang bakla sa showbiz, para sila ang kumontak ng mga kalalakihang makakakuyangyangan niya sa kama.

Sumikat ang singer na si Aljur Fernando sa showbiz. Nag-hit kasi ang kanyang mga kanta, kaya naintriga sa kanya si Amalia. Simple lang ang kaguwapuhan ni Aljur, matangkad, kayumanggi at balitang may alagang tuta sa pagitan ng kanyang dalawang hita. Sa pamamagitan ng mga kaibigang bading ni Amalia, ipinarating nila kay Aljur ang pagnanasa sa kanya ng singer-actress. Natuwa ang male singer, dahil malaking pangalan sa music industry si Miss Nocum para maakit sa kanya.

Nagkaroon ng flower festival sa Baguio City at kasama sa mga sikat na magpe-perform sina Amalia at Aljur. Sa iisang van sumakay sina Amalia at Aljur. Sa biyahe mula Manila patungong Baguio, hindi na pinakawalan ni Amalia si Aljur.  Speechless ang driver at ang limang baklang kasama nila sa biyahe, dahil bukod sa umuugang sasakyan dahil sa biyahe, ay may kakaibang “pagyanig” na nagaganap sa loob, gawing likuran ng van kung saan naroon ang mga mang-aawit.  Patay ang ilaw. Alam na nila ang himalang nagaganap. Nabiktima na ng kamandag at alindog ni Amalia ang mapagbigay sa sex na si Aljur. Mababait ang limang bading. Hindi na nila ibinuking ang nangyari sa dalawang mang-aawit, dahil may asawa si Aljur, at kakahiwalay lang ni Amalia sa kanyang husband nang mga panahong iyon. Hulaan n’yo na lang kung sinu-sino sila. Walang clue. Mga sikat pa kasi sila hanggang ngayon.

ADVERTISING

(By Melchor Bautista)

ADVERTISING