Mahirap daw pakisamahan sa set
Sir Chief, suplado at moody?!

ADVERTISING

<i>Mahirap daw pakisamahan sa set</i><br>Sir Chief, suplado at moody?!

<i>Mahirap daw pakisamahan sa set</i><br>Sir Chief, suplado at moody?!NOW THAT Vice Ganda has apologized to GMA news anchor Jessica Soho over a bad joke which offended the latter’s sensibilities ay hindi pa rin maawat ang defenders ng una.

ADVERTISING

While many understood Jessica’s “rape is not a joke” stance ay meron namang nakapuna na meron din namang “rape jokes” na ipinalabas sa mismong network na pinagtatrabahuhan ni Jessica.

“Ms Jessica Soho was offended and Vice Ganda apologized. Tama yun. Pero yung sabihan pa si Vice na “Rape is not a joke”… Yun ang medyo mali. Two things: One, the joke was not intended for the rape victims. Two, before they hit & criticize other people, tignan naman nila yung bakod nila. Bubble Gang made “rape” jokes and videos are all over youtube. This is learning curve for both parties,” matapang na tweet ni katotong MJ Felipe.

We watched the said “rape” episode of Bubble Gang. It was a series of rape scenes pala na ginawang katatawanan ng gag show. There was even one scene na kunwari ay ipinagtanggol ng isang guy ang isang babae sa kanyang “rapist” pero ‘yu pala ay rereypin din siya nito.

ADVERTISING

Aware kaya si Jessica sa existence ng “rape episodes” ng Bubble Gang? Parang hindi.

Teka, hindi ba niya naamoy ‘yon considering na she’s working at the same network? Ano siya, natutulog sa pansitan?

We remember one episode of a show in GMA where they emphasized the “think before you click” reminder to the televiewers who are into social networking sites.

Siguro ay dapat ding i-practice ni Jessica ang “think before you speak” dahil tila hindi niya alam ang kanyang sinasabi about rape jokes.

Paano ngayon kung may magtanong sa kanya kung napanood na niya ang sinasabing “rape jokes” sa Bubble Gang, ano isasagot niya?

 

TRUE KAYA ang nasulat na nag-isnaban sina  Marian Something and Popoy Something?

A poular entertainment website dropped hints that in one event ay nagkrus finally ang landas ng dalawa. Marianita was reportedly with her staff at meron ding ibang kasama si Popoy.

When their paths crosse ay parang wala raw nakita si Marianita. Parang she didn’t see Popoy coming her way. Talagang isnaban daw ang nangyari.

Teka, akala ko ba sabi ni Marianita ay okay sila ni Popoy at naiintindihan nito ang paghihiwalay nila? Bakit parang hindi yata ito ang totoong senaryo?

Anyway, kung nag-isnaban nga ang dalawa ay madali namang maintindihan ‘yon. Sariwa pa ang galit nila sa isa’t isa. We’re quite certain that they HATED each other.

If true, bitter pa rin pala ang dalawa sa nangyaring hiwalayan nila as talent and manager.

So, pareho pa ring hindi maka-move on ang dalawa o itong si Marianita lang ang hindi maka-move on dahil siya yata ang unang nang-isnab kay Popoy.

Anyway, it will take some time siguro bago magkabati ang dalawa. Obviously, all is still not well between them kahit na sinasabi ni Marian na okay naman sila ng kanyang dating manager.

 

AWARE KAYA si Richard Yap sa chikang mahirap siyang pakisamahan?

May kumakalat na isyung he has gotten hard to deal with dahil suplado raw ito at palaging moody sa set ng morning soap nilang Be Careful With My Heart.

Totoo bang ang dami na raw imbiyerna kay Sir Chief dahil sa kanyang mood swings? Na pati si Aiza Seguerra raw ay hindi na rin siya makasundo dahil mahirap siyang pakisamahan.

Parang mahirap namang paniwalaan na suplado si Sir Chief. Although once lang namin siyang na-interview ay wala naman kaming napansing attitude sa kanya. He was very accommodating to everyone.

Teka, baka sadyang pagod lang si Richard kaya siguro mas gusto niyang magpahinga during taping break kaysa makipag-chikahan.

Isa pa, paanong makikipag-chika si Richard, eh, hindi naman talaga siya showbiz na showbiz.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING