Mahal, pinaglaruan ang ex-BF?

Mahal, pinaglaruan ang ex-BF?

MahalKASAL NA si Mahal sa non-showbiz guy na si Jobbie Herbio. Ikinasal sila nung Nov. 2 sa pamamagitan ng isang civil wedding sa Quezon City. Mahal is 40 years old at 25 naman ang napangasawa nito.

Ayon sa ex-boyfriend ni Mahal na si Aries Navarro, niloko raw siya ni Mahal at hindi ipinaalam na meron na itong kasintahan.

“Makikita naman po sa post nila na nu’ng June pa lang ay magkakilala na yung guy at si Mahal. Alam naman niya na jowa ko si Mahal, bakit kailangang agawin sa akin. Pero that’s life. The story is over between Mahal and me,” sintemyento ng ex-BF ni Mahal.

“Kung alam ko lang na may BF na si Mahal noon hindi na sana ako nagpainterbyu sa Rated K dahil alam kong magde-degrade na naman ako. Pero inilihim yon ni Mahal sa akin,” dagdag pa ni Aries.

May mensahe naman ang dating kasintahan kay Mahal. “Congratulations and happy wedding Mahal. Masakit man pero gusto ko ring maging maligaya ka at wala na akong magagawa.

“Sana ay mahalin si Mahal at alagaan na katulad ng ginawa ko at ng pamilyako sakanya,” sabi pa nito.

Ayaw namang magbigay ng pahayag ni Mahal tungkol sa bagong chapter ng kanyang buhay. Ang gusto lang daw niya ay manahimik ngayon dahil mahal niya ang kanyang asawa.

La Boka
by Leo Bukas