Mahal, napaiyak nang malaman ang pagpanaw ni Jimboy Salazar

Mahal-Jimboy-SalazarNAGBIGAY NG maigsing pahayag sa amin si Mahal tungkol sa pagpanaw ng ex-boyfriend niyang si Jimboy Salazar na namatay dahil sa pneumonia nu’ng Biyernes (July 23) sa San Miguel, Bulacan.

Ayon kay Mahal, kailangan daw muna niyang ipagpaalam sa boyfriend niyang si Aries Navarro na kasalukuyang nagtatrabaho sa Saudi kung pupuwede siyang magpainterbyu at magsalita.

“Wait lang po sandali, magpapaalam lang ako sa manager ko na BF ko rin. Kausapin ko muna siya,” bungad na sagot ni Mahal sa message namin sa kanya.

After ng ilang minute, ibinigay niya rin agad sa amin ang reaksyon niya sa nangyari. Here it goes:

“Nagkakasayahan kami nina Nena (kapatid ng boyfriend niya) at nagbibiruan kami tungkol sa kasal namin pag-uwi ni Aries sa Pilipinas from Saudi. Tapos biglang may nag-chat sa akin na patay na raw si Jimboy. Siyempre, nabigla ako. Bigla akong naluha.

“Hindi ako makapaniwala. Sabi ko, ‘hindi nga?’ Hindi ako nakapagsalita nu’ng nabasa ko.

“Nalaman ko na nagkasakit si Jimboy. Sinabi ko ‘yon kay Aries kasi napanood ko ‘yon sa Startalk last week. Nakita namin ‘yung picture ni Jimboy sa FB na nakahiga siya. Sabi ni Aries, sana gumaling siya.”

Ayon pa kay Mahal, ipinapaabot niya ang taus-pusong pakikiramay sa mga naiwan ni Jimboy.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articlePabebe Girls, nakipag-dinner date sa idolong boy group na Upgrade
Next articleMahal, pinakinabangan ang pagkamatay ni Jimboy Salazar

No posts to display