Magkasintahang Aiza Seguerra at Liza Dino, handang-handa na sa kasal

ADVERTISING

Magkasintahang Aiza Seguerra at Liza Dino, handang-handa na sa kasal

Aiza-Seguerra-Liza-DinoHANDANG-HANDA NA ang magkasintahang Aiza Seguerra at Liza Dino sa kanilang pag-iisang dibdib sa January 2015.

Ayaw lang magbigay ni Aiza ng buong detalye, pero handang-handa na raw sila, at inaayos na nga ang gown ng magiging wife niya.

Magtu-tuxedo daw si Aiza, si Liza naman ang susuot ng wedding gown.

‘Yung sa January 2015 ay rito gagawin na kung saan magkakaroon ng seremonya na gagawin siguro sa isang resort.

ADVERTISING

Ayaw sabihin ni Aiza kung saan, dahil gusto niya very private ito kasama ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan, lalo na ang mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga.

Tiyak na ninong niyan si Mr. Tony Tuviera na producer ng Eat Bulaga dahil tinutukoy niyang tatay-tatayan niya.

Hindi ko lang sure kung sino kina Tito, Vic at Joey ang magni-ninong o baka sila pa ngang tatlo, eh.

Basta si Aiza ang nag-aasikaso nito lahat na rustic daw ang motif.

Pagkatapos ng seremonya na gagawin dito sa atin, sa October next year naman sila magpapakasal sa Amerika.

Bale ‘yun daw ang legal na wedding ceremony dahil merong same-sex marriage sa Amerika. Alam ko sa New York ito gagawin.

Abangan n’yo ang exclusive interview namin kina Aiza at Liza sa Startalk bukas.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING