Magkasamang nagbakasyon sa Balesin Island
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagkabalikan na?

ADVERTISING

<i>Magkasamang nagbakasyon sa Balesin Island</i><br> Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagkabalikan na?

Dennis-Trillo-Jennylyn-MercadoANG NAKAIINTRIGA, itong sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Tahimik lang sila ngayon, pero mukhang nagkabalikan na nga sila, pero tahimik lang sila.

Kagaya nitong nakaraang Semana Santa. Nabuking din sa social media na magkasama pala silang nagbakasyon sa Balesin Island.

Nag-post lang nga si Jennylyn sa Instagram account niya ng view ng Balesin, doon na nagpalitan ng opinyon ang mga followers niya.

ADVERTISING

May mga kontra sa pagbabalikan ng dalawa, pero sabi naman ng mga source ko, mas marami raw ang agree at masaya sa pagbabalikan nila.

Pero tiyak na idi-deny naman nila ito. Sabihin lang ni Jennylyn na magkasama lang sila sa pag-ensayo sa Triathlon, at grupo naman daw. Kaya hayaan na lang natin sila kung quite sila sa kanilang relasyon.

Kunsabagay, mas mabuti ngang manahimik na lang muna sila. Baka mamaya intrigahin na naman kapag naging open sila sa kanilang relasyon.

Tingnan natin kung tama nga ang desisyon ni Jennylyn na bigyan ng Second Chance si Dennis. O, di ba? Na-promote ko pa ang drama series ni Jennylyn!

‘Yun na! Happy Easter sa inyong lahat!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING