Magkaptid na Leandro Muñoz at Carlo Muñoz, balik sa pag-arte via “The Story of Us”

ADVERTISING

Magkaptid na Leandro Muñoz at Carlo Muñoz, balik sa pag-arte via “The Story of Us”

Carlo Muñoz (5th from left) at Leandro Muñoz (2nd from right) kasama sina Kim Chiu at Xian Lim (Photo courtesy of Instagram: @chinitaprincess)
Carlo Muñoz (5th from left) at Leandro Muñoz (2nd from right) kasama sina Kim Chiu at Xian Lim (Photo courtesy of Instagram: @chinitaprincess)

Pansamantalang nagbabalik sa pag-arte ang magkapatid na Leandro at Carlo Muñoz, dating Star Magic artists na ngayon ay naka-base na sa Amerika.

Lumabas na ang kanilang mga karakter last week sa “The Story of Us” na very true to life, kasi brothers din sila sa serye. May pictures pa nga silang magkapatid kasama sina Kim Chiu at Xian Lim na kuha sa taping sa New York.

In fairness, ang guwapo pa rin ng dalawa at hindi tumatanda ang hitsura. Pero mas malakas pa rin talaga ang sex appeal ni Carlo kumpara kay Leandro Muñoz. Para ngang mas gumwapo pa siya ngayong matured na siya, huh!

Hindi namin sure kung may kani-kanyang pamilya na ang magkapatid na Muñoz sa Amerika at kung ano ang work nila roon. Pero halatang happy ang buhay nila roon kasi hindi na sila bumalik ng Pilipinas.

ADVERTISING

Teka, hindi kaya nila nami-miss ang showbiz? Sabagay, kung meron silang mas magandang trabaho sa Amerika, mas secured na ang buhay nila roon. No need na to work pa as actors.

Anyway, nasa New York pa rin hanggang ngayon sina Kim at Xian para sa taping ng “The Story of Us”. Next week pa raw sila babalik ng Pilipinas.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING