Magkapatid na Megan Young at Lauren Young, madalas magkasagutan

Lauren-Young-Megan-YoungHINDI MAIIWASANG magkasakitan ang magkapatid na Megan Young at Lauren Young sa remake ng seryeng Marimar sa GMA 7. Tinanong tuloy si Lauren kung tinotoo niya ang pagsabunot sa kapatid na si Megan?

Pagdating kasi sa mga maseselang eksena, mas gusto ni Lauren na makatotohanan para maganda ang labas at hindi halatang may iniiwasan.

Ayon kay Lauren, may instance na talagang tinotoo niya ang pagsabunot sa ate niyang si Megan. Okey naman daw sa ate niya at hindi nagreklamo.

“Sa totoo lang, noon bata pa kami, madalas kaming magtalo, pero hindi naman umabot na sa pisikal. Kahit madalas kaming magkasagutan, nandoon pa rin naman ang respeto sa isa’t isa,” pagtatapat ni Lauren.

Hindi ba may instance na nagalit sa kanya si Megan dahil nasaktan talaga ito sa ginawa niyang pagsabunot?

“Okey lang ‘yung sa kanya, Hahaha! Trabaho ito, ‘no? Hahaha! Ako kasi, as much as possible, kung puwedeng totoo, gawin na lang natin nang totoo. Kasi mas maganda siyang tingnan on TV. But there area certain instances, ‘yung iba ayaw nilang sinasaktan sila, so have to respect them also. There are ways para dayain to make someone comfortable. But so far, okey naman. Nu’ng mag-taping kami, ilang beses siyang (Megan) binatukan ni Tita Jane (Jaclyn Jose). Wala siyang reklamo! Hahaha! Totoo ‘yun,” tsika pa ni Lauren.

Nagkasasagutan sila noong maliit pa sila, pero ‘di pa sila nagkaroon ng sabunutan magkapatid, at lalong hindi sila nagtalo pagdating sa lalaki.

“No! We have different taste in men! Hahaha!”

When asked kung may boyfriend na ba ang Ate Megan niya, kaagad na sagot ni Lauren ay wala raw boyfriend si Megan pero siya raw ay may nagpapasaya ng puso.

“I’m very happy. I’m in a better place now and I am with someone who makes me happy,” katuwiran ni Lauren.

Sa mga binitawang salita ni Lauren kung may boyfriend na si Megan, tila totoo ang madalas sabihin ng tinanghal na Miss World na loveless siya. Kaya walang katotohanan ang naglabasan na si Mikael Daez ang masugid nitong manliligaw.

Ano kaya ang reaction ni Mikael sa sinabi ni Lauren at mismong ni Megan na walang boyfriend?

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleAllen Dizon, tigil muna sa indie films dahil sa soap opera
Next articleRia Atayde, nag-back-out sa PBB dahil sa housemate na breadwinner ng pamilya

No posts to display