Magkaibang laban ng pag-ibig nina Jodi, Robin at Richard, inaabangan sa ‘Sana Dalawa Ang Puso’

ADVERTISING

Magkaibang laban ng pag-ibig nina Jodi, Robin at Richard, inaabangan sa ‘Sana Dalawa Ang Puso’

Magkaibang laban ng pag-ibig nina Jodi, Robin at Richard, inaabangan sa ‘Sana Dalawa Ang Puso’
Richard Yap and Jodi Sta. Maria

DALAWANG magkaibang laban ng pag-ibig ang nagpapainit ng umaga sa pagpapatuloy ng hit morning serye na Sana Dalawa ang Puso na napapanood sa ABS-CBN.

Marami ang nakaka-relate na audience sa mga karatkers na ginagampanan nina Jodi Sta. Maria bilang Lisa at Robin Padilla bilang Leo na panindigan ang kanilang pagmamahalan. Kahit pa itakwil mas sinunod ni Lisa ang pintig ng kanyang puso at sumama na ng tuluyan kay Leo kapalit ang kayamanan at karangyaan nakasanayan niya.

Yon nga lang, sa istorya ng morning series ay walang patid si Christopher de Leon sa pagsira sa relasyon ng dalawa. Kontrabida si Boyet sa series, pero hindi loud ang atake niya dito.

Unti-unti namang nakaka-move on ang karakter ni Richard Yap bilang Martin sa panloloko sa kanya ng isa pang karakter ni Jodi as Mona. Medyo nagwo-worry nga lang ang televiewers dahil mukhang gagamitin ni Richard ang pagiging vulnerable ni Jodi sa latest episode para pasakayin ito at lokohin eventually. Hala, lagot.

ADVERTISING

Anyway, special guest sa Sana Dalawa Ang Puso si Ms. Pilita Corales who owns the Tagpuan.

Ayon sa Star Creatives, marami pang dapat abangan sa Sana Dalawa Ang Puso.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING