Magaling magdala kaya ‘di nahahalata: aktres at aktor, nagkatikiman kahit walang relasyon!

KAMAKAILAN AY nagkaroon ng presscon para sa pelikulang pinagtatambalan ng mga sikat na artistang itago na lang natin sa mga pangalang Gladys Evangelista at Randy Diaz. Nu’ng tawagin na ang magkapareha ay nagkaroon ng bulung-bulungan ang mga dumalong press. “Pagmasdan n’yo ang dalawang ‘yan. Isang maganda at isang guwapo.  Magaling silang magdala, dahil sa totoo lang naman ay nagkatikiman na sila kahit wala silang inaaming relasyon,” wika ng isang beteranang reporter.

Waley, as in mahirap din naman kasing umamin sina Gladys at Randy kung ano man ang namagitang seksuwal na sa kanilang dalawa, dahil kung walang inaaming karelasyon sa showbiz ang magandang young actress, si Hunk Actor naman ay mayroong naipangalandakang girlfriend na magaling na aktres sa showbiz, na itago na lang natin sa screen name na Perla Adarna. Nakarating daw kay Perla ang closeness nina Gladys at Randy, kaya umalingawngaw ang kanyang pagtataray.

“Ang mahal talaga ni Randy ay si Perla. Kaya lang, ilang proyekto rin dati ang pinagsamahan nina Randy at Gladys kahit hindi sila ‘yung direktang magkapareha. Kaya talagang nagkalapit sila, na inilihim lang nilang talaga. Hindi pupuwedeng hindi sila matukso, kasi’y napakaganda ni Gladys at pantasya ng mga kababaihan at kabadingan sa showbiz si Randy,” dugtong pa ng beteranang manunulat.

(By Melchor Bautista)

Previous articleMatapos bihisan at sinunod ang layaw: celebrity guy, balik sa basurahan!
Next articleZsa Zsa Padilla, ‘di na maitago ang malubhang sakit ni Dolphy!

No posts to display