Mag-suggest daw ng bagay na tema sa movie
Gabby Concepcion, nanawagan sa Sharon Cuneta-Gabby fans

ADVERTISING

<i>Mag-suggest daw ng bagay na tema sa movie</i><br>Gabby Concepcion, nanawagan sa Sharon Cuneta-Gabby fans<i>Mag-suggest daw ng bagay na tema sa movie</i><br>Gabby Concepcion, nanawagan sa Sharon Cuneta-Gabby fansEKSKLUSIBO NAMING nakapanayam si Gabby Concepcion sa pictorial nito para sa Calayan Surgicentre last week at game na game ito sa aming interview. Looking forward daw siya na magiging super maganda ang kanyang 2013 dahil, “January pa lang, I’m really really happy again, thanking the Lord and everybody who supports me, and there are projects na gagawin, isang malaking pasabog na naman ‘to, so abangan na lang po natin.”

Paano niya nasabing mga pasabog ang kanyang mga nakalinyang gagawin? “Siyempre lahat pasabog para masaya. Pero itong pasabog na ‘to eh, maliligayahan tayo. Hindi ito ‘yung pasabog na malungkot. Masaya ‘to.”

Masaya naman si Gabby na super close ngayon ang kanyang dalawang anak na dalaga na sina KC at Garie Concepcion. Super bonding daw kasi ang dalawa kapag may oras. “Maganda nga ‘yun, eh na close sila, ‘yun ang gusto ko sanang mangyari (sa) lahat, maging close.”

Maganda man daw ang relasyon niya sa kanyang mga anak, pagdating daw sa personal na bagay lalo na sa lovelife ay hindi raw siya nakikialam. “Wala akong pakialam sa lovelife nila. Oo, kasi buhay nila ‘yun, eh. Hindi naman ako ang lumiligaw, hindi naman ako ang naliligawan. So, kung anuman ang lovelife nila, ‘di kanila na ‘yun. Basta happy sila.”

Kumusta na kaya ang matagal nang nakaplanong pagbabalik tambalan nila ng Megastar na si Sharon Cuneta? “Ah, maraming naghihintay, marami akong nakukuhang mga text, sa e-mail, mga request, darating tayo riyan, meron lang tayong hinihintay na dapat mangyari, katulad nu’ng script, binubuo pa, marami pang binubuo para maging masaya at maganda.”

ADVERTISING

Pero kung ‘yung mga tagahanga naman daw nila ay may mga gustong konsepto o kaya ay tema para sa gagawin nilang proyekto, maaari rin naman daw itong maiparating sa kanya. Imbita niya, “’Yun nga, e-mail n’yo ako sa gabbyconcepcion@gmail.com or tweet nito ako @gabsconcepcion. I-suggest n’yo lang kung anong klaseng pelikula ang nararapat naming gawin, comedy ba, serious, drama, action, mga ganyan, siyempre all of that will be taken into consideration.”

 

BALIK-TELEBISYON AGAD si Dawn Zulueta pagkatapos ng phenomenal na Walang Hanggan. Kinumpirma na kasi ng ABS-CBN na siya na ang papalit sa role ni Maricel Soriano sa teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Sa bagay, baka naman para sa kanya talaga ang proyekto. Dahil ayon sa isang interview, isa raw sa pangarap ni Dawn talaga na makakuha ng mga markadong roles after ng kanyang ‘magandang performance’ sa Walang hanggan.

Kuwento nga niya sa isang report, “Kung utang na loob ang pag-uusapan dito, meron talaga ako nu’n dahil, you know once upon a time, isa lang akong artista na nangangarap lamang na sana magkaroon ako nang memorable na klaseng role. It came when we had Walang Hanggan. This is teamwork, and I’m a team soldier, I’m really a soldier, okay.”

On the other hand, maaliwalas ang mukha ni Gerald Anderson sa kanilang pictorial na ipinakita sa TV Patrol. Kuwento nito, “Sobra po kaming blessed, excited, privilege and thankful na kasama po kayo, I-DawnZulueta mo ako. Muwah”

Game na game si Gerald ng bigkasin niya ang mga katagang ‘yun, na animo’y nabunutan ng tinik mula sa kontrobersiyang banggaan nila diumano ng Diamond Star.

Ang katagang ‘yun ay pinakawalan ni Vice Ganda last January 6 sa Gandang Gabi Vice kung saan nag-joke ito nang ‘I-Dawn Zulueta Mo Ako’, na isa nang bukambibig sa ngayon. Ang ibig sabihin nito ay ang pagkarga, na nakuha ni Vice mula sa isang eksena sa pelikula nina Dawn at Richard Gomez noon.

Nagpasalamat naman si Dawn kay Vice. “I’m very grateful to Vice. Dahil sa kanya, I’m a household name again. And not only that, I’m a verb. Lumevel-up.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING