Mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, wagi sa Star Awards for TV

Mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde, wagi sa Star Awards for TV

Sylvia-Sanchez-Arjo-AtaydeWAGI ANG mag-inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde sa 28th Star Awards for TV. Panalo ang Be Careful With My Heart bilang Daytime Drama Series, kung saan isa si Ms. Sylvia sa casts ng serye ng ABS-CBN.
Samantalang wagi naman para sa kategoryang Best Single Performance By an Actor si Arjo para sa mahusay nitong performance sa episode ng MMK (Dos Por Dos), kung saan naka-tie nito si Jose Manalo para naman sa Eat Bulaga Lenten Presentation na “Hulog ng Langit”.

Sef-CadayonaSef Cadayona, naiyak nang manalong Best Comedy Actor

TEARY-EYE NANG tanggapin ng komedyanteng si Sef Cadayona ang kanyang kauna-unahang Best Comedy Actor award para sa show na Bubble Gang, kKung saan tinalo nito ang kanyang mga idolong sina Michael V at Vic Sotto.
Kaya naman part ng speech nito ang pagbibigay-pasasalamat kina Vic at Michael. Hindi nga raw umaasa si Sef na mananalo. Ang makahilera lang daw bilang nominado kina Vic at Michael ay malaking karangalan na para sa kanya. Kaya naman hindi raw ito makapaniwala na nanalo siya.

John’s Point
by John Fontanilla