Mag-inang Ruru Madrid at Jackie, sabay nag-celebrate ng birthday

1 Ruru-Madrid 2 Ruru-Madrid 3 Ruru-MadridNAGDIWANG NG kaarawan ang butihing ina ni Ruru Madrid na si Jackie sa kanilang tahanan sa Marikina Heights Subd. noong nakaraang December 2. Tanging mga kamag-anakan at malalapit na mga kaibigan ang nagsidalo sa kanyang simpleng salo-salo at bonggang inuman na may bonggang sari-saring pulutan. Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-17 kaarawan ni Ruru.

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon, sa tanging araw ng kapanganakan ng young actor noong December 4, ginanap naman ang bonggang party nito sa Solaire Hotel sa Macapagal Highway sa Pasay.

Naging pribado ang okasyon at tanging mga malalapit ding kaibigan ni Ruru ang kanyang mga panauhin. Isa na rito ang isa sa mga magagaling na young actress na si Gabrielle Garcia, kung saan una niyang nakilala at nakapareha sa teleseryeng My Destiny bilang si Nikki. Special someone ang turing niya sa dalaga. Hindi naman maikakaila ang closeness nila sa isa’t isa.

Ni Marialuz Candaba