Mag-inang Beth at Angelica Jones, todo-deny sa bantang pagdedemanda

Mag-inang Beth at Angelica Jones, todo-deny sa bantang pagdedemanda

 

Mag-inang Beth at Angelica Jones, todo-deny sa bantang pagdedemanda

DINI-DENY NA NGAYON ng mag-inang Beth at Angelica Jones ang napabalitang idedemanda raw ako dahil sa sinulat kong kumikita sila sa pagbebenta ng tuko.

Itinatanggi nila ito pero sinasabi naman ito ng mga dati nilang tauhan na umalma dahil sa hindi sila nasusuwelduhan.

Pumayag naman ang mag-ina na mag-guest sa amin sa Startalk para magkaharap na kami. Pero nilinaw nilang hindi raw sila galit sa akin, at wala raw silang balak na magdemanda.

Ang sabi ni Angelica, baka raw gawa-gawa lang ‘yun ng mga kalaban niya sa pulitika.

Eh, ewan ko na lang! Sa akin naman okay lang magharap kami. Kung wala nga silang balak na idemanda ako dahil sa nasulat sa isang column ko, eh ‘di wala. Tapos na ang isyu!

Diyos ko naman! Wala na akong panahong pagpapatulan pa ‘to, ‘no!

Abangan n’yo na lang sa Startalk sa Sabado ang paghaharap namin. I’m sure bonggang-bongga na naman ang moment ng mag-ina.

 

NAGULAT NA LANG ako, pitong buwan buntis na pala si Glydel Mercado!

Parang kailan lang nu’ng sinabi nila sa akin na buntis na uli si Glydel, ngayon malapit na palang ma-nganak.

Naikuwento nga sa akin na baby girl pala ang ipinagbubuntis ni Glydel at bale pangalawang baby girl na nila ito.

‘Yung panganay nila, si Aneeza. Nga-yon ang pangalawa nila, Aneeka naman daw ang ipapangalan. Parang okay na raw muna sa kanila ang dalawang anak dahil ayaw naman ni Tonton ng marami talaga sila.

Sa totoo lang, kung marami pa sila, hindi na sila magkakasya sa townhouse nila. Matagal ko nang kinukumbinsi si Tonton na mag-loan na para sa house and lot, pero ayaw niya talaga. Ayaw raw niyang may utang na hinahabol bayaran at ayaw raw niyang ma-stress.

Sabi ba naman sa akin, sa edad daw niyang ‘yun, mabuti na ‘yung hindi ka pressured at walang iniintinding utang, at baka ‘yun pa raw ang dahilan nang pagka-cancer mo. May point din naman siya dahil happy na siya sa simpleng buhay kaya hindi ko na pinilit.

Sinabihan na rin akong medyo light na lang na trabaho ang tatanggapin niya dahil sobrang napagod daw siya sa Minsan Lang Kita Iibigin, kaya kahit supporting role lang, okay na raw siya at least walang pressure.

Bongga rin naman iyang alaga ko!

Anyway, pinaghahandaan na lang nila ang nalalapit na panganganak ni Glydel, pero kahit papano naisisingit pa rin ni Glydel ang mag-taping sa My Binondo Girl. Pero siguro, baka ilang linggo na lang, pahinga na siya para ready na siyang manganak.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis