Mag-inang artista, may malaking ‘gap’!

ADVERTISING

SANA NAMAN, HINDI totoo ang nabalitaan naming may “gap” ang mag-inang artista. Noon pa raw ito.  Nagsusumbong na ang anak sa mga kaibigan na tine-text nito ang madir niya, pero deadma. Wa sa pagka-reply.
Sa halip na ang message nito na dapat sana’y sa anak idinidirekta ay itine-text sa ibang tao na nagtataka ang anak, dahil imbes na sa kanya nagte-text, sa ibang tao pa raw nito nalalaman ang message ng ina.
Pero ito’y hindi alam ng publiko, dahil mahusay ang mag-ina na ‘wag magpakita ng totoong emosyon on national television. ‘Yung tipong parang forever na hindi mag-aaway.
Na-shock nga kami nu’ng malaman namin ‘yon, dahil ang buong akala talaga namin, super ok at super duper close ang mag-ina. Larawan sila ng mag-inang kaiinggitan ng maraming mag-iina, ‘ika nga.
Pero magaling silang magdala ng problema.
Pero kung totoo man ito, mas magandang ayusin na nila ito bago pa makarating sa publiko, dahil tiyak na magsasanga-sanga na naman ito, lalo lang silang magpapaliwanag sa tao.
(By Ogie Diaz)

ADVERTISING