Mag-host na lang kasi: Kris Aquino, bugok at bagsak sa acting!

ADVERTISING

Mag-host na lang kasi: Kris Aquino, bugok at bagsak sa acting!

Mag-host na lang kasi: Kris Aquino, bugok at bagsak sa acting!OLA CHIKKA! NGAYON ay unang araw ng linggo kaya dapat maiinit na chismax to the maximum authority of chismis ang ihahatid ko sa inyo. Ngunit nakaiinit ng ulo itong nabalitaan ko na ang dating magkakaaway na sina DJ Mo, Ruffa Gutierrez at Cristy Fermin, ngayon ay magsasama-sama sa isang talk show sa TV5.

ADVERTISING

Kung hindi na matandaan ng beauty n’yo ang alitan nila, ipaaalala ko lang. Ito kasing si DJ Mo ay napakabalahurang mag-comment, as in walang patawad na hindi na niya alam, nakaka-offend na siya. Kaya itong si Ruffa ay nagalit sa kanya maging si Cristy rin. Oh, ‘di ba ang taray ni DJ Mo, puro kababaihan ang kanyang kalaban… Hmmm? Say n’yo? Say ko? I smell something fishy! It takes one to know one! Ha-ha!

Ngayon nga ay ayos na ang alitan at nagyakapan pa raw ang mga hosts na ito para sa kanilang talk show ngunit talaga bang ayos na sila or may plastikan na namang nagaganap?

Sa ngayon, hindi pa sinasabi kung kailan magsisimula ang kanilang talk show pero tiyak na hindi ito itatapat sa The Buzz at Showbiz Central, buti naman alam nila na hindi pa rin nila matatalbugan ang mga shows na iyon.

ADVERTISING

AT SPEAKING OF The Buzz, dapat na manatili na lamang si Kris Aquino sa pagho-host dahil alam nating lahat kung gaano siya kagaling sa larangan na iyon, ngunit sa pag-arte?! Naku, ‘day! Bagsak! Sabi nga nila… bugok! As in Zero!

Kaya naman siya ang sinisisi sa pagbagsak ng rating ng Kung Tayo’y Magkakalayo. Sila na nga raw ang pinakakulelat na teleserye ngayon, kaya maraming nagsasabi na tanggalin na si Kris. Tsk, tsk, tsk! Masamang pangitain ‘yan.

Kahit kasi gaano ka-emote itong si Kris ay nakangiti pa rin! Nakangiwi naman kasi talaga ang mukha niya kaya kahit anong iyak pa ‘yan, ngiti pa rin ang lalabas. Sino nga naman ba ang madadala sa pag-arte n’yang ‘yun lalo na kung drama pa. Ngumiti ka nga sa drama! Naku, Kris… mag-host ka na lang at bibilib pa kami sa iyo!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong to the highest level na ang kabalahuraan na feelingerang actress na kilalang-kilala natin sa pang-aagaw sa isang hunk actor?

Ito kasing balahurang babae ay nasa isang corporate party na malamang malalaking kumpanya ang nagsagawa, siyempre expected na bonggacious ang kilos mo sa isang bonggacious na party, ‘yung tipong magpakababae ka naman.

Ganito nga ‘di ba? Kumakain ang balahura nang may tingang umipit sa ngipin niya at siyempre agad-agad niyang tinanggal gamit ang daliri. Yuck! At hindi lang ‘yun. Dahil hindi nadaan sa daliri ay kumuha ito ng toothpaste at toothbrush sa bag at tinawag ang alalay upang kumuha ng tubig at sa mismong kinauupuan niya, roon siya nagsipilyo! Eeew!!

Akala n’yo exaggerated?! Totoo ‘yan, ‘day! Matapos magsipilyo ay para lang walang nangyari at akala siguro ng balahurang ito ay walang nakakita. Tsk, tsk, tsk! Excuse me pow!! Hindi ka lang palengkera, napaka-baboy mo pa.

Sino itong balahurang female artist? Naku, sa sinabi ko pa lang na pang-aagaw na ginawa niya ay malamang kilalang-kilala n’yo na siya. Kung hindi pa, sumisid kayo sa dagat baka sakaling makita n’yo siya. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING