Mag-concentrate na lang sa boxing… Manny Pacquiao, walang ‘K’ maging singer?

Mag-concentrate na lang sa boxing… Manny Pacquiao, walang ‘K’ maging singer?

 

SA NAGANAP NA press conference sa North America kick-off ng international media tour ng laban nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Chelsea Pier sa New York kamakailan, ‘di napigilang magpakitang-gilas si Pacman sa pagkanta kasama ang international singer and composer na si Dan Hill.

Nagulat ang lahat nang may magtanong kay Pacquiao tungkol sa kanyang pagkanta. Nainsulto kaya ang Pambansang Kamao?

“I will tell you now, I’m not a good singer but I can sing and I love to hear songs,” ang eksaktong sinabi ni Manny sa mga nang-ookray sa kanyang pagkanta.

Taray ng lolo n’yo! Oo nga naman, walang pakialamanan eh, sa gustong kumanta ng tao, ano ba’ng magagawa nila ‘di ba?

Pero ayon sa mga mahadera, mag-concentrate na lang daw si Pacman sa boxing at wala naman daw itong ‘K’ magpaka-singer? Hay, naku inggit lang ang mga nagsasabi niyan dahil napansin ang kanta ni Pacman sa Billbooard Charts ‘noh, hahaha! Huwag na kasing magpait-paitan ang iba d’yan. Tsuk!

Photos by Mark Atienza, Luz Candaba & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service