Mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde, may hatian sa pagdidisiplina ng mga anak

ADVERTISING

Mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde, may hatian sa pagdidisiplina ng mga anak

Sylvia-Sanchez-Art-AtaydeNAKATUTUWA PALA ang hatian ng mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde sa pagbibigay nila ng disiplina sa kanilang mga anak. Isang magandang anak na babae ni Sylvia ang aking nakakuwentuhan, at ang tsika niya sa akin ay ang kanilang daddy ang naninita sa mga anak na babae halimbawa’y kung mayroon nang kalalakihan na gustong manligaw, habang ang kanila naman daw mommy ang bahala kay Arjo Atayde nitong nagbibinata na.

ADVERTISING

Kuwento ng magandang anak ni Sylvia, busog na busog daw si Arjo sa mga pangaral mula sa kanilang mommy. Kung binabantayan daw ni Art ang oras ng pag-alis at pag-uwi ng mga anak na babae kung may pupuntahang party halimbawa, si Arjo man ay aminado na nakakaaliw raw ang kakulitan ni Sylvia sa kanya kung papaano siya manliligaw, makikisama at rerespeto sa kababaihan. Ganu’n din daw sa kung anong oras siya pinauuwi ng kanyang mommy sa house nila kapag wala siyang taping.

Kuwento rin ng magandang anak ni Sylvia, hindi raw masalita si Art tungkol sa magandang nangyayari ngayon sa career ni Arjo. Pero halata naman daw nila na tuwang-tuwa si Mr. Atayde kapag nakaririnig ng mga puri tungkol sa guwapong actor mula sa ibang tao na taga-showbiz.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING