Mag-asawang Direk Carlo Caparas at Donna Villa, balik sa pagpo-produce ng pelikula

ADVERTISING

Mag-asawang Direk Carlo Caparas at Donna Villa, balik sa pagpo-produce ng pelikula

Carlo-Caparas-Donna-VillaFINALLY, WALA nang makakahadlang sa pagbabalik showbiz ng megacouple na sina Donna Villa at Direk Carlo Caparas.

ADVERTISING

Naudlot lang ang pagpo-produce ng dalawa nang masangkot sa isyu si Direk Carlo. Noon pa sana sila nagkapagsimulang mag-produce muli ng pelikula, pero dahil nga sa isyung ibinato kay Direk, nahinto ang kanilang pagsanib sa Viva Films para gumawa ng 50 movies.

Kamakailan, nakarating sa amin na sinimulan na ni Direk Carlo ang pagsi-shooting ng pelikula na pagbibidahan ni Andi Eigenmann. This time, tuluy-tuloy na ang pagpo-produce ng megacouple na ang mga naka-line-up na project ay mga dating ginawa ni Direk Lino Brocka at mga makabagong horror/suspense movie.

Huling nakausap namin si Direk Carlo at Donna Villa ay nang magkaroon sila ng grand presscon sa Viva office noon para nga ihayag ang plano nilang gagawing 50 movies sa isang taon.

ADVERTISING

Dahil na rin daw sa paghihikayat ni Boss Vic del Rosariom, muling nagbabalik ang megacouple para gumawa ng mga makabuluhang pelikula.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING