Mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa, nanibago sa sistema ng pagpo-promote ng pelikula

ADVERTISING

Mag-asawang Carlo J. Caparas at Donna Villa, nanibago sa sistema ng pagpo-promote ng pelikula

Carlo-Caparas-Donna-VillaSOBRANG MAHAL talaga ng mga manunulat sa showbiz ang mag-asawang Donna Villa at Direk Carlo J. Caparas, kaya naman nitong huling magkaroon ng presscon para sa pelikulang Angela Markado ng Oro De Siete Films at Viva Films, marami sa mga dumalong manunulat na dati nilang nakasasama at nakatutulong sa pagpo-promote ng mga pelikulang prodyus ng kanilang movie outfit ang natuwa para sa muling pagbabalik sa sirkulasyon ng binansagan din nilang galanteng mag-asawa.

Noong aktibo pa raw kasi sa pagpoprodyus ng pelikula sina Donna at Carlo J., sobrang magbigay ng dagdag na havey (datung) si Donna at kapag masaya at natuwa. Kaya naman nitong huling humarap ang mag-asawa sa presscon, marami ang umasa na ganu’n pa rin ang sistema ng pagmamahal ni Villa sa mga manunulat na sinasabi niyang kanyang pinasasalamatan at mahal niya na dating nakakasama.

Iba na ang panahon ngayon. Nadidinig naman sa mga tsika ni Donna, na hindi nila talaga iiwanan ang showbiz, dahil nasa sistema na ng kanilang pamilya ang paggawa ng pelikula. Kaya lang, ilang ulit din sinabi ni Donna, na medyo nagulat siya sa pagkakaiba ng sistema ngayon, dahil sobrang napakamahal na ng gastos para i-promote ang isang pelikula. Kaya dapat din namang intindihin, na hindi nga talaga kailangang basta na lang mamudmod ng datung si Donna gaya ng dati niyang nakagawian, dahil kakaiba na nga ang panahon ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING