Mag-asawang aktor at aktres, inampon ang sariling anak!

ADVERTISING

NAKATUTUWA NAMAN ang nangyari sa mag-asawang aktor at dating “teen” actress. Bago pa sila noon ikinasal eh, meron na silang “adopted child”. Tapos nga, nu’ng nagkaroon na sila ng sariling baby, eh ‘di dalawa na, ‘di ba?

Isang adopted at isang biological baby.

ADVERTISING

Pero may kuwento sa likod ng “adopted baby” nila. Ang naturang baby ay produkto ng isang kilalang couple.

At alam n’yo ba kung sino ‘yung couple na ‘yon? Hahahaha! Eh, ‘di sila rin.

Na-shock ba kayo? ‘Wag na kayong ma-shock dahil ayon sa aming source, ‘yun ang totoo. Itatanong n’yo ngayon kung paano nangyari ‘yon? Nanganak sa ibang bansa ang aktres, pero walang nakaalam, dahil nga may karir pa siyang babalikan noon.

ADVERTISING

Pero ngayon ay full-pledged mom na lamang siya ng dalawa nilang anak at sabi naman ng aming source, masaya naman ang dalawa, dahil sila rin ang nagkatuluyan sa bandang huli.

‘Wag na kayong manghingi ng clue, basta let’s be happy for them. Hehehehe.

By Ogie Diaz

 

ADVERTISING