Mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual, nag-trip sa Thailand

ADVERTISING

Mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual, nag-trip sa Thailand

Piolo Pascual and Iñigo Pascual
Piolo Pascual and Iñigo Pascual

Kung makasisingit din lang ang showbiz celebrities natin sa kanilang hectic shedules, tatakas sila to take a break. Sa social media, may photos kami na nakita na ang mag-amang Piolo Pascual at Iñigo Pascual ay nasa Thailand.

Sa Bangkok, mayroong wacky shot ang father and son na may hawak na inihaw na mais.

Sa sidetrip nila sa Chiang Mai (North of Bangkok), dumalo sila sa isang traditional Thai celebration. Para yata ito sa travel-lifestyle show ni Papa P. sa Lifestyle Channel sa Sky Cable.

Kung tama kami, sa January na ang showing ng pelikula ng aktor na “Once In A Lifetime”, ka-partner si Yen Santos kinunan ang mga eksena nila partly sa New Zealand, kung saan diumano may love scene sila sa ibabaw ng snow.

ADVERTISING

This Saturday, November 19, sigurado ako na babaha ng supporters ng aktor sa gagawing SunPiology Run 2016: Sugar Wars na magsisimula ng alas-tres ng hapon at magaganap sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.

This time, ang theme ng yearly running event na ito ng aktor ay edukasyon laban sa diabetes.

Bukod kay Piolo at Iñigo na mangunguna sa kampanyang ito, kasali ang ilan sa Star Magic talents sa naturang event.

One nice thing about Piolo ay ang advocacy niya na makapagtawid ng mensahe at aral sa mas nakararami tulad nitong SunPiology Run na pinangungunahan niya sa tulong ng Sun Life Insurance kung saan silang mag-ama ay celebrity endorsers.

Kumpirmado na kasama ang Hashtags sa pakulo na ito ng Star Magic at Sunlife para sa kanilang taunang SunPiology.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING