Mag-amang Freddie Aguilar at Maegan Aguilar, nagkabati na

Mag-amang Freddie Aguilar at Maegan Aguilar, nagkabati na

Freddie-Aguilar-Maegan-AguilarNAGKABATI NA raw ang mag-amang Freddie Aguilar at Maegan Aguilar?

Abangan na lang ang kuwento ng Startalk tungkol diyan.

Hindi ko pa nakuha ang buong detalye, pero ang tsika ng Startalk staff, nakaiiyak daw ang pagtatagpo ng mag-ama. Pero mabuti at naging okay na sila, at humingi na si Maegan ng sorry sa kanyang ama.

Nag-sorry na rin daw si Maegan sa dyowa ng Papa niya, kaya okay na silang lahat.

Ang alam ko kasi, gusto na ni Ka Freddie na siya na ang mag-aalaga sa mga anak ni Maegan. Habang naghahanap ng trabaho ang anak niya, siya na ang mag-aasikaso sa mga apo niya.

Type na type nga raw ng dyowa ni Ka Freddie na i-adopt ang mga bata.

Abangan na lang ang kuwentong ito sa Startalk!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis