Mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, mag-aayos na sa korte?

Mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, mag-aayos na sa korte?

Julia-Barretto-Dennis-PadillaNGAYONG ARAW rin pala dapat ang hearing nina Dennis Padilla at Julia Barretto kaugnay sa Petition na isinumite ng young actress na Change of Name.

Inaabangan ito ng Startalk dahil ang huling pahayag kasi ni Julia, hindi na raw niya kailangang palitan pa ang apelyido niya. Nagkaayos na kasi sila ng kanyang ama.

Ang akala nga namin hindi na ito tuloy dahil okay na silang mag-ama, pero ang latest na nakuhang impormasyon ng Startalk tuloy pa rin dahil hindi pa sila nagkausap para ayusin ang kaso.

Baka roon na lang nga sa korte sila magkaayos. Kaya abangan n’yo na lang sa Startalk kung sisipot si Dennis at pati na rin si Julia. Tingnan na lang natin kung aayusin nila ito sa korte.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis