Mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, bati na

Mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, bati na

1 Julia-Barretto-Dennis-PadillaFINALLY AY bati na ang mag-amang Dennis Padilla at Julia Barretto, dahil kung hindi kami nagkakamali sa pinost ng friend ni Julia na si Alora, binisita ni Julia sa dressing room ang ama nu’ng nagte-taping ito ng Deal Or No Deal.

Parang wala lang nangyari. Tawanan. And I’m sure, na-invite na rin ni Julia personally ang ama niya na pumunta sa kanyang debut sa March 10.

Kami mismo ay super saya sa nangyaring ito, dahil alam namin sa aming sarili na naging “instrumento” kami para magkaayos ang mag-ama.

Hindi na namin idedetalye pa, pero at this point, gusto naming pasalamatan si Marjorie Barretto, dahil pinakinggan niya kami, pinasalamatan at naniwala sa aming sinabi.

Gano’n din si Dennis na (mas close sa akin kesa kay Marjorie) na hindi naman bato ang kanyang puso para hindi naman kausapin ang panganay na anak.

Hindi pa man nagkikita ang mag-ama, natanong na namin kay Dennis kung, “Paano kung one day, lumapit sa ‘yo si Julia para personal kang imbitahan sa debut niya?”

“Pare naman, ako naman ay naghihintay lang ng imbitasyon. Minsan lang ang debut sa anak, kaya gusto ko siyang makita sa pinakamasayang araw niya.”

Nasabi pa ni Dennis na, “Ang anak naman, ‘pag lumapit na ‘yan sa magulang, nababale-wala na ang nakaraan, eh. Ako pa ba, pare? Hindi naman ako mahirap kausap. Nami-miss ko na nga ang mga anak ko, eh.”

So all’s well that ends well.

At ang pinakapanalo sa tagpong ito ay si Julia. Let’s face it, kahit paano ay nakaapekto kay Julia ang isyung pinatatanggal nila ng mommy Marjorie niya ang Baldivia.

At ewan kung ipu-push pa rin ito ni Marjorie. Sana, ‘wag na. Nakasulat lang ‘yan sa dokumento, pero ang katotohanang pagbali-baligtarin mo man ang mundo, mag-ama pa rin ‘yan.

Here’s wishing na sana ay tuluy-tuloy na ang pagkakaayos ng kampo ni Dennis at ni Marjorie.

Oh My G!
by Ogie Diaz