Megan Aguilar, sobra ang galit sa ama

ADVERTISING

Megan Aguilar, sobra ang galit sa ama

Megan-AguilarNASA WAR mode si Megan Aguilar na walang takot na nagsalita sa show nina Kris Aquino at Boy Abunda.

ADVERTISING

“Galit ako sa kanilang dalawa, hindi lang sa asawa ni tatay kundi mas lalo kay tatay kasi anak niya ako, apo niya ‘yung mga anak ko, bakit niya ako tinatratong outsider ng sarili kong bahay kasi kung bahay niya ‘yon, bahay ko ‘yon ‘di ba?” Megan declared on “Aquino & Abunda Tonight” Wednesday.

Nag-ugat ang pagpapalayas kay Maegan dahil sa bulok na gulay.

“Hindi ko alam kasi nu’ng nangyari I just woke up, kakagising lang namin ng partner ko. It’s like hapon. I had a gig the night before and my husband works for a UK company so he comes up like three a.m. so normal sa bahay to wake up in the afternoon. I heard my father speaking to my brother from outside kasi my room is just near the dining area.”

ADVERTISING

“Hindi ko alam kung ano (ang pinag-uusapan nila) kasi nga ayokong (makialam) if it’s just between them,” she said. Then, Freddie reportedly told her, ‘Hoy, Maegan, ikaw rin wala kang malasakit, wala kang pakialam. ‘Yung mga gulay nabulok. Bakit hindi mo tinitignan? Bakit ganito?’

Nagpaliwanag si Maegan na, ‘‘Tay hindi ko po alam. Hindi ko na po binubuksan ang ref sa kusina kasi nagagalit kayo kapag may nawala. Ayaw ko pong mapagalitan.’ Parang ayaw niya yata na sumagot ako or any of his kids.”

“Nagalit siya (Freddie). Minura niya ako. Sabi niya sa akin wala daw akong malasakit. Ako daw ang pinakamasamang anak niya. Sabi niya sa akin, ‘Akala mo proud ako sa ‘yo? Hindi ako proud,’ sabi niyang ganoon.”

Napansin niyang nagbago si Freddie nang mag-asawa. “Kung katulad dati na welcome kami sa kuwarto ni tatay, ‘pag wala siya doon we can watch TV there, we can lie  on his bed, we can relax, ‘yung what’s his is ours, mula nang dumating ‘yan (young wife) ay nagka-lock na ang kuwarto ng tatay ko, naka-double lock na.”

Nagtaray si Maegan sa kanyang stepmom. “If ako ang tatanungin, ayoko sa kanya. Bakit ko siya gugustuhin? Taga-bundok siyang biglang nag-appear sa bahay ko. Bigla na lang may asungot doon na sino ‘to, ‘di ba? Tapos nag-iba ang rules. Biglang ‘yung tatay ko naging strange sa amin. Para kaming mga boarders sa bahay niya.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING