Maegan Aguilar, mas umani ng haters kaysa sympathizers

ADVERTISING

Maegan Aguilar, mas umani ng haters kaysa sympathizers

Maegan-AguilarSA AMININ man o hindi ni Maegan Aguilar, she has earned more haters than sympathizers sa hidwaan nila ngayon ng kanyang amang si Ka Freddie.

Live guest ang 35 year-old singer sa Startalk nitong Linggo (na balik-Sabado na this May 31) mula sa iniereng VTR interview sa kanya. As cheap as it could get, totoong mga bulok na gulay at utang niyang P1,500 sa kanyang ama na ipinambili ng diapers ng kanyang anak ang literal na nagtulak sa kanilang mag-iina papalabas ng bahay ni Ka Freddie.

Taong 2011, ayon sa kuwento ni Maegan, nang muli siyang pabalikin ng kanyang ama sa bahay. Since then, nakatira si Maegan at ang kanyang asawa sa isang kuwartong walang ACU (air conditioning unit). Kanya-kanya raw sila ng bili ng pagkain, libre lang daw ang pagtira, kuryente at tubig.

Hindi sa minemenos namin si Maegan, pero malaking kaluwagan na ‘yon sa kanilang mag-anak. Besides, it wasn’t her idea to stay with her dad.

ADVERTISING

But all this time ay meron ding kabutas-butas sa kanyang napangasawa. Oo nga’t pinatira sila nang walang bayad, eh, noon pa pala nakararanas ng problema si Maegan sa kanyang tatay, bakit ngayon lang siya nagsalita?

If at the onset ay pinagtitiisan na lang niya ang pagtrato ng Ka Freddie sa kanya—most specially nang mag-asawa ito uli—shouldn’t Maegan’s husband at the very least talk to her about moving out, out of delicadeza?

Hindi ba’t may kasabihang “If you can’t stand the heat, get out of the kitchen”? Hayan tuloy, pati mga bulok na gulay sa fridge sa kitchen, nakalkal pa!

Himutok pa ni Maegan, malaki raw bang kawalan sa kanyang tatay ang utang niyang P1,500 na napunta naman sa apo nito?

Again, we’re not underestimating Maegan, sa estado niya bilang singer na kahit paano’y meron namang pinagkakakitaan, halagang isang libo’t limang daan, wala siya? At wala rin ang asawa niya? It was she who told Startalk that her husband has a job.

And considering na malaki ang kanilang natitipid sa libreng patira at utilities, huwag naman sanang ikatuwiran ni Maegan na wala silang naisusubing pera mag-asawa, at least pambili man lang ng lampin para sa kanilang anak.

Dagdag pa ni Maegan, the public should not assume kung ano’ng nangyayari sa pamamahay ng kanyang ama dahil hindi raw sila palamunin.

For the sake of argument, maaaring tama si Maegan.

Pero sa mismong bibig na rin nalalambat ang isda. Aber, ano ang kanyang panawagan sa mga kapwa musikero? Na sana raw ay bigyan siya ng regular na trabaho.

So, ano’ng ibig sabihin nu’n? That all this time, malaki rin ang naiambag ni Ka Freddie sa loob ng mga taong kulang ang kanyang kinikita.

And how ironic, wala silang pambili ng diapers pero nang sadyain ng Startalk noong isa pang Lunes para sa kanyang interview, eh, naka-check in silang mag-anak sa isang hotel sa Pasay City?

 

TILA SORE thumb ang inclusion ni Philip Lazaro sa celebrity lineup na maglalaban-laban this Saturday sa Season 3 ng Picture! Picture!

Ang troika barkada kasi na sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff at Alessandra da Rossi plus Philip will take a shot at the half a million peso-jackpot prize.

Sey naman ni Heart (who’s currently on vacation in New York), minsan na raw niyang nakasama si Philip sa isang soap.

Originally kasi, Lovi Poe was supposed to be in the game pero hindi sumwak ang kanyang schedule, but in fairness, her replacement is just as fine.

So, sino kaya kina Herat, Solenn, Alex at Philip ang cool, calm and collected habang nilalaro ang tunay namang nakaka-tense na first and only photo-aided general knowledge na game show na ito hosted by Ryan Agoncillo?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING