Madam Inutz keber kahit macho dancer ang dyowa

Leo Bukas

IN LOVE sa isang macho dancer na nagtatrabaho sa gay bar si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay.

Tantan ang tawag ni Madam Inutz sa kanyang boyfrend. Nakilala niya ito sa pinagtatrabahuhan nitong gay bar na pag-aari ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Madam Inutz keber kahit macho dancer ang dyowa
Madam Inutz with boyfriend

Iba-iba ang reaksyon ng netizens sa social media sa love life ng dating Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemate. Hiindi naiwasan ng ilang netizens na laitin at husgahan ang kanyang macho dancer boyfriend. Ang iba naman ay winarningan si Madam Inutz na baka gamitin lang siya ng lalaki.

Kaaagad namang dinepensahan ni Madam Inutz ang kanyang boyfriend at sinabing nasasaktan siya sa panghuhusga ng mga tao sa kanyang boyfriend.

“Wala tayong karapatan… Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganu’n karumi, is ganu’n klase ng trabaho, kumbaga, peperahan ka na,”depensa ni Madam Inutz sa kasintahan.

“Alam n’yo naman si Madam Inutz is nagtatrabaho din sa bar, naging entertainer din ako. Pero nakita niyo kung gaano kalaki yung puso at saka pagtingin ko sa pamilya. So, ganoon kami ni Tantan. Kumbaga, nagkaroon kami ng similarity,” patuloy ng online seller at komedyante,

Idinagdag din ni Madam Inutz na hindi dapat ikahiya kahit pa anong trabaho ng kanyang magiging karelasyon.

Sabi pa niya, “Kahit anong klase ng trabaho, hindi mo dapat ikahiya. So, hindi niya dapat ikahiya iyon at hindi ko dapat ikahiya kung saan ko nakilala.

“Never ko ikinahiya naging entertainer ako. Never ko ikinahiya na kung ano man ang klase ng trabaho ko kasi trabaho iyan. At least, nagsusumikap, kumikita ng sarili nilang pera at sinusuportahan ang pamilya.”

Nagbigay din ng reaksyon ang komedyante sa nagsasabing pineperahan lang siya ng boyfriend at ginagamit lang siiya nito.

“Hindi po tayo gumagastos sa lalaki. Nagkataon lang na kaming dalawa, mayroong similarity.

“Hindi ako ganoon kabobo, hindi ako ganoon kagago, or hindi ako ganoon katanga para magpagamit. Siguro naman nasa tamang edad na ako,” pagdidiin niya.

Dagdag ulit niya, “Baka kasi iniisip niyo sobrang pagkatanga ko, hindi ko muna kinikilala yung tao. At the moment, ini-enjoy namin yung kung ano yung samahan naming dalawa.”

Previous article5 Things To Do in Puerto Princesa, Palawan
Next articleDarren Espanto inuunti-unti ang pagiging daring at sexy