Madalas daw mag-away dahil kay Piolo Pascual Cristine Reyes, nakipag-break kay Rayver Cruz?!

ADVERTISING

Madalas daw mag-away dahil kay Piolo Pascual Cristine Reyes, nakipag-break kay Rayver Cruz?!

Madalas daw mag-away dahil kay Piolo Pascual Cristine Reyes, nakipag-break kay Rayver Cruz?!   TOTOO KAYA itong mga naglalabasang kuwento ng break-ups?

Isa sa mainit na pinag-uusapan ngayon, break na raw talaga sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Ang kuwentong nakarating sa amin, mahigit dalawang buwang break na raw sila dahil sa madalas nilang pag-aaway.

Si Cristine na raw ang nakipag-break kay Rayver na hindi pa yata matanggap ng aktor kaya itinatanggi niya ito.

ADVERTISING

Pero may kuwento pang si Piolo Pascual daw ang dahilan nang madalas nilang pag-aaway kaya nauwi sa hiwalayan.

Kapansin-pansin na raw sa set ng Dahil sa Pag-ibig ang closeness ng dalawa, at halatang type na type daw ni Cristine si Piolo.

Ang duda ng karamihan, gimmick lang ito sa teleserye nila kaya parang ‘di kapani-paniwala.

Ewan ko lang, ha? Lalabas din naman ang katotohanan niyan, kaya tingnan na lang natin. Siyempre, ayoko nang magkomento kapag tungkol kay Piolo na ang pinag-uusapan.

Malay nga natin, baka after KC Concepcion, si Cristine na ang kasunod na magiging girlfriend ni Piolo. Tingnan na lang natin ‘yan, ha?

 

KUNG TAHIMIK lang si Krista Kleiner sa break-up nila ni JayR, ganu’n din itong huli.

Na-korner nga ng Startalk si JayR sa Party Pilipinas, pero ayaw niyang magsalita tungkol dito. Nakiusap siyang huwag na raw palakihin dahil very private naman daw itong sa kanila ni Krista.

Pero hindi naman puwedeng patayin na lang ang isyung ‘yan dahil naging open naman sila noon sa relasyon nila, kaya dapat ipaliwanag nila sa publiko bakit nauwi ito sa hiwalayan.

Ang sabi naman ni Krista, para raw sa “safety” niya kaya gusto na muna niyang manahimik.

Bakit safety? May death threat ba siya? Dapat magsalita na rin si Krista para malinaw, ‘di ba? Ang hilig naman nitong magpa-interview kaya dapat magsalita na siya, ‘no!

Alam ko may bagong dance album si Krista na binubuo sa tulong ni JayR. Malapit na raw itong i-launch. Hindi kaya gimmick na rin ito para may pag-usapan sa launching nito?

Tingnan din natin, ‘yan!

Madalas daw mag-away dahil kay Piolo Pascual Cristine Reyes, nakipag-break kay Rayver Cruz?!

PARANG HINDI na yata Boracay ang paboritong bakasyunan ng mga artista kapag Semana Santa. Ang iba, sa ibang bansa raw magbabakasyon dahil ilang araw din ‘yun na walang trabaho.

Si Rocco Nacino, kasama raw ang pamilya niyang magbabakasyon sa Singapore. Kailangan daw niyang magpahinga dahil sunud-sunod ang trabaho niya, at nagkakasakit na nga ito. Tamang-tama kasi, pagkatapos ng bakasyong iyan, sisimulan na niya ang Lam-Ang na talagang pinaghahandaan niya nang husto.

Hindi naman sa Boracay ngayon sina Sen. Bong Revilla at ang buong pamil-ya. Sa Cebu raw sila magbabakasyon, pero hindi ko lang alam kung saan sa Cebu, ha?

Marami pang mga artistang gustong mag-Hong Kong, ang iba sa Amerika at iilan lang sa Boracay. Ang daming tao na kasi roon, at nakaabang na rin lahat na mga media du’n, kaya iwas na lang sila. Puwede naman silang mag-Boracay sa ibang araw.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING