MACHETE NI ALJUR ABRENICA, NAKAKAUYAM NA!

ADVERTISING

 MACHETE NI ALJUR ABRENICA, NAKAKAUYAM NA! OLACHIKKA! MARAMI TALAGA ang nag-date nitong Valentine’s Day. Ako naman, nasa Cebu lang at nag-unwind. May show kasi ako sa DYRC Cebu.

Heto na ang chikka! Marami raw ang nakakita kina Willie Revillame at Shalani Soledad na nag-date nu’ng V-Day. With matching holding hands pa raw ang dalawa while walking, huh!

ADVERTISING

In fairness sa Lola Shalani n’yo, pakiyeme pang ayaw umamin sa relasyon nila ni Willie, pero halata namang meron nang talaga! Itanong na lang natin ‘yan kay Rico J. Puno, ang bagong ‘BFF’ ni Willie. Tiyak na maraming alam na sikreto sa TV host ang singer.

Naku, segwey na lang tayo dito kay Aljur Abrenica. Sa tuwing napapanood namin kasi ang Machete, wala talaga kaming makitang dapat balik-balikan sa programa. Mas maganda pa rin talaga ang original! Hindi bagay kay Aljur ang role, sa totoo lang.

Sey nga ng mga Cebuano, trying hard ang young actor sa role niya. Walang ‘K’! Kaya wala ring rating! Hahahaha!

ADVERTISING

Sana ay matapos na raw ang programa at nakakauyam na raw talaga ito! Nakakasira raw ng gabi nila, sey pa ng mga listeners ko rito sa Cebu.

BLIND ITEM: SINECH ANG mahusay na aktres na itech na umano’y nililigawan ng isang doctor, pero tinanggihan niya ito? Ang nakakaloka, tumanggi pa siya? Tingnan n’yo na lang ang hitsura niya na para nang isang matron, pero tumanggi pa siya sa isa sanang grasya!

Naku, ‘teh, kung ako sa ‘yo, go na! Sayang ang love at blessings na gini-give, ‘no?

UGALIIN N’YONG MAKINIG sa DWSS 1494khz, Mon-Fri, 11:30 AM – 12:00 PM, kasama ko ang anak kong si Lady Camille. Tuwing Linggo naman sa DZRH 666khz, 2:30-3:30 ng hapon.

 MACHETE NI ALJUR ABRENICA, NAKAKAUYAM NA!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING