MABAIT, MAGANDA, SEXY: Joshua Garcia bet jowain si Ivana Alawi

SOMETIME last year ay marami ang kinilig nang bigyan ni Joshua Garcia ng surprise video greeting si Ivana Alawi sa kanyang kaarawan. Dito ay nalaman ng mga manonood na crush pala ng dalaga ang binata.

Sa kanyang recent interview sa Kumu Live ay pinili ni Joshua Garcia si Ivana Alawi bilang isa sa mga aktres sa Kapamilya network na gusto pa niyang maka-communicate.

MABAIT, MAGANDA, SEXY: Joshua Garcia bet jowain si Ivana Alawi
Joshua Garcia and Ivana Alawi

Pagkatapos banggitin ang pangalan ni Ivana ay ipinaliwanag ng aktor na meron naman na silang komunikasyon.

“Naka-chat ko na siya before, pero chat lang, wala namang malisya… Pero wala namang kahit ano. Ano lang, text lang. Textmate, e.

“Pero hindi kami nagka-text nang matagal. Mas tawag. Mas tawag ako kesa text, e.”

Nag-umpisa raw ang kanilang komunikasyon noong nakaraang buwan.

“Before, I think last month pa iyon, parang ganun… Ngayon di pa kami nagka-text uli. Pero okay lang,” sambit pa niya.

Nang tanungin ng host kung ‘jojowain’ o ‘totropahin’ si Ivana:

“Siyempre, jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba?

“I mean, mabait, maganda, sexy. Lahat sinabe na eh! Magiging choosy ka pa ba doon?” natatawa nitong pahayag.

Ayon naman sa binata ay ayaw niyang pangunahan ang maaaring mangyari sa hinaharap.

Hindi kasi lahat ng tao masasabi mong meant para maging magkarelasyon, e.

“May parang nakatadhana sa iyo na mami-meet mo lang para maging kaibigan mo, kasi hindi mo masasabi…” realistic na pahayag ng aktor.

Dinare naman si Joshua na tawagan si Ivana. Nang sagutin ito ng dalaga at tinanong din siya kung jojowain o totropahin ba niya si Joshua, isang misteryosong ‘secret!’ ang kanyang pahayag. Hmmm….

 

Previous articleVLOG WATCH: Kyline Alcantara’s lock-in taping experience for ‘I Left My Heart in Sorsogon’
Next articleChristian Bables at Faith Da Silva bibida sa Regal Studio Presents: My Boyfriend’s Romance