LUMIPAT NA RIN SA VIVA: Marion Aunor, nilayasan na rin ang Star Magic

ADVERTISING

LUMIPAT NA RIN SA VIVA: Marion Aunor, nilayasan na rin ang Star Magic

LUMIPAT NA RIN SA VIVA: Marion Aunor, nilayasan na rin ang Star Magic
Marion Aunor

MATAGAL NA pala natapos ang management contract ng singer na si Marion Aunor sa Star Magic.

Noong 2016 pa pala ito natapos at noong 2017 ay nagpaalam na ang singer-composer na nagbigay sa kanya ng chance to explore wider ang talent niya in composing songs.

Kung naalala ninyo pa, kasali si Marion sa pagbubuo ng hit music CD ni Kathryn Bernado kung saan tumulong siya sa pagko-compose ng songs para sa lady love ni Daniel Padilla.

Bago siya pumirma recently sa Viva Artists Agency na talent management arm ng Viva Films and Viva Entertainment last February 13 ay nakagawa pa si Marion ng first music CD album ni Leila Alcasid (anak ni Ogie A.), na kamakailan lang ay nai-release ng Star Music kung bukod sa pagiging record producer ng naturang album ay may ilang mga compositions din na ginawa si Marion para sa bagitong singer.

ADVERTISING

Marion’s new management company handling her career, pumirma siya ng 5 year contract kung saan ang una niyang project from VAA ay ang gumawa ng theme songs para sa bago nilang mga pelikula na as of this writing ay naka-withold pa ang mga detalye.

LUMIPAT NA RIN SA VIVA: Marion Aunor, nilayasan na rin ang Star Magic
Marion Aunor

Sa paglisan ni Marion from Star Music, nakapending pa ang ginawa niyang kanta para sa Megastar Sharon Cuneta at wala pa linaw kung kailan ire-release.

Sa paglipat ni Marion ng kompanya na magma-manage sa kanya, bukod sa tuloy pa rin ang pagkanta niya at pagpo-produce ng music album ay magko-compose pa rin siya ng mga songs  para sa mga Viva and VAA artists-singers at kabilang na rito ang prime artist ng company na si Sarah Geronimo.

Come February 27, Marion will be performing together with Clique V sa Music Museum to be directed by Joven Tan.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING