LUMIPAT NA: Kris Bernal, bida sa ‘Ate ng Ate Ko’ ng TV5

ADVERTISING

ILANG buwan na rin ang nagdaan nang ibunyag ni Kris Bernal sa kanyang vlog channel na siya ay isang freelance talent na at  hindi ni-renew ng GMA-7 ang kanyang kontrata sa GMA Artist Center. Nag-umpisa ang isyung lipatan nang mamataan si Kris bilang
special celebrity guest sa Chika Besh ng TV5 na host sina Pokwang, Pauleen Luna at Ria Atayde.

Kahit na hindi pa ito pinapirma ulit ng kontrata ng kanyang home network ay nagkaroon pa ng ilang guestings si Kris tulad ng Wish Ko Lang at All-Out Sundays.

ADVERTISING

Habang hindi ito aktibo sa isang TV series ay ang sariling YouTube channel at mga negosyo niya muna ang kanyang inatupag. Lumabas din ang aktres sa programang Lunch Out Loud (LOL) sa TV5 three weeks ago.

Muling pinag-usapan ang ‘paglipat’ diumano ni Kris dahil lalabas dapat ito sa November 15 episode ng Sunday variety show na Sunday Noontime Live (SNL) ng TV5 na pinangungunahan nina Piolo Pascual at Maja Salvador.

ADVERTISING

Due to undisclosed reasons ay hindi naiere ang nasabing episode, pero nagpost na si Kris ng ilang BTS o behind-the-scenes snapshots kung saan kasama ni Kris si Piolo Pascual at mga taga-Cornerstone Entertainment, na management team ng karamihan ng host ng SNL. Ito na ba rin ang kanyang bagong management team?

Sa mismong YouTube account ng TV5 ay lumabas na ang teaser ng pagbibidahang weekly show ni Kris Bernal na may pamagat na ‘Ate ng Ate Ko‘, kung saan bida rin ang dati ring Kapuso actress/beauty queen na si Isabelle de Leon. Kita rin sa teaser ang larawan nina Jake Cuenca at Joem Bascon, na parehong identified sa Kapamilya Network. Mag-uumpisa ang nasabing programa next week.

LUMIPAT NA: Kris Bernal, bida sa 'Ate ng Ate Ko' ng TV5
Ate ng Ate Ko ft. Kris Bernal, Isabelle de Leon, Joem Bascon and Jake Cuenca

Bago pa ang paglabas ng teaser ay may mga tsikang kumakalat na papasok daw diumano sa ‘Ang Iyo ay Akin’ si Kris Bernal para sa isang special role. Mukhang malabo na ito mangyari dahil may sarili na itong programa sa kanyang bagong tahanan.

Well, mukhang na-figure out na ni Kris Bernal ang kanyang bagong career move. Sa tinagal niya sa GMA-7 ay nabigyan ito ng maraming proyekto na siya ang female lead, pero katulad ng sitwasyon ng ilang Kapuso stars na natali sa network ay para bang hindi pa rin na-reach ni Kris ang kanyang full potential. May this move be in your favor, Kris!

ADVERTISING