Lumapit at humingi ng tulong sa Gabriela Claudine Barretto, bibigyan ng psychological treatment

PINAG-UUSAPAN PA rin itong gulo nina Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Pagkatapos mag-file ng kung anu-anong kaso, nagsalita na rin daw ang kapatid ni Raymart na si Randy Santiago, at hindi naman niya sineryoso ang isyu.

Lalaban lang daw siya ng kantahan sa Tulfo brothers.

Kasi parang pami-pamilya na ang labanan nito, na sana huwag nang lumala pa at wala nang kasunod na gulo kasi siyempre nakatutok ang publiko sa kanila kung magkakagulo pa ba sila o magkakasundo na.

Ang latest ngayon, lumapit daw si Claudine sa Gabriela at humingi ito ng tulong dahil sobrang emotionally stressed daw siya sa nangyari. Sinaktan pa raw siya ni Mon kaya kailangan daw niya ng tulong ng grupong ito ng mga kababaihan.

Ang sabi naman ng mga taga-Gabriela, tutulungan daw nila si Claudine dahil humingi nga ito ng tulong. Hindi naman daw nilang kailangang imbestigahan pa ang kaso dahil ang concern lang naman daw nila ay ang mga kababaihang humihingi ng tulong.

Wala raw silang say du’n sa kaso, dahil si Claudine lang naman daw ang gusto nilang tulungan, gawa nang lumapit nga sa kanila at humingi ng tulong.

Hindi ko alam kung nagsimula na silang magbigay ng tulong kay Claudine, pero ang sabi daw ng mga taga-Gabriela, tutulong sila sa psychological treatment sa aktres na posibleng makatulong ito sa aktres. Iyon lang naman daw ang concern nila, dahil humingi sa kanila ng tulong kaya tinanggap nila ito.

Balik-trabaho na si Raymart dahil malapit nang magsimula ang Luna Blanca sa GMA-7, pero siyempre kahit sa taping nito ay may bodyguard pa ring nakabantay sa kanya.

ITO PALANG si Jennylyn Mercado ay miyembro na rin ng Gabriela. Nag-celebrate ng kaarawan niya nu’ng nakaraang Lunes sa may Star Mall San Jose del Monte, Bulacan.

Nagpa-fans day siya roon at kasabay nito ay binigyan siya ng Award of Recogniton ng Gabriela, kung saan naging miyembro na rin siya.

Nilapitan din noon ni Jennylyn ang Gabriela nu’ng nagkaroon ng gulo sa break-up nila ni Dennis Trillo.

Alam naman ng lahat na kung paano inabuso si Jennylyn nu’ng bata pa siya dahil sinasaktan ito ng amain niya.

Kaya nag-alok ng tulong ang Gabriela para malagpasan niya ang emotional trauma sa mga napagdaanan niya.

Magmula nu’n, gusto na ni Jennylyn na maging Gabriela dahil tingin daw niya may maitutulong siya sa mga kababaihang dumaan din sa mga pang-aabusong gaya nang pinagdaanan niya.

Kaya tingin daw niya, may maitutulong naman siya sa pagbibigay-inspirasyon sa mga kababaihang naabuso at naaapi.

Gaya rin ni Ruffa Gutierrez na nagbibigay na rin siya ng inspirational speech sa mga kababaihan dahil isa rin siya sa humingi ng tulong noon sa Gabriela.

Isa ito sa sinasabi ni Jennylyn na regalo sa kanyang kaarawan.

In fairness dito kay Jennylyn, sobrang close siya kina Sen. Manny Villar at Mrs. Cynthia Villar kaya suportado ito ng Star Mall sa lahat na mga activities niya, gaya nitong fans day niya sa kanyang kaarawan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleJulie Anne San Jose, bina-bash ng mga fans ni Sarah Geronimo!
Next articleSa pag-aming break na sila ni Angelica Panganiban Derek Ramsay, nakaka-turn-off?!

No posts to display