Lumabas na naman ang kamalditahan
Marian Rivera, dinedma si Karylle sa harap ni Zsa Zsa Padilla!

ADVERTISING

<i>Lumabas na naman ang kamalditahan</i><br>Marian Rivera, dinedma si Karylle sa harap ni Zsa Zsa Padilla!

<i>Lumabas na naman ang kamalditahan</i><br>Marian Rivera, dinedma si Karylle sa harap ni Zsa Zsa Padilla!

KALAT NA ka-lat na ang balitang pandeded-ma daw ni Marian Rivera kay Karylle sa katatapos na Dolphy, Alay Tawa na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, kung saan isa si Marian sa naging guest.

Marami raw ang nakakita nang magbeso-beso si Marian kina Zsa Zsa Padilla at Zia Quizon at nilagpasan nito si Karylle na kasama nina Zsa Zsa at Zia nang mga sandaling iyon. Mistulang nagbulag-bulagan daw si Marian at ‘di nakita si Karylle, na malabong mangyari dahil magkakasama nga ang mag-iina.

Umiral na naman daw ang kamalditahan ni Marian ng gabing iyon, kaya naman marami ang nag-isip na marahil kung hindi pa raw ito unang binati at niyakap ni Heart Evangelista, baka nakatanggap rin daw ito ng pandededma

ADVERTISING

JAMPACKED SA dami ng tao ang katatapos na mall show sa Star Mall Edsa-Shaw ng grupong Upgrade kasama ang magaling na rapper na si DJ Joph, Gina Damaso at Joven Moreno last Sept. 22. Hosted by Jana Chu Chu na hatid ng Ever Bilena, Hammerhead, Fragrances of the Stars, Renew Placenta at Aficionado Germany Perfume.

Kamuntik-mutikan nang magkaroon ng stampede sa Entertainment Plaza ng mall nang mag-perform ang grupo na kinabibilangan nina Rhem, Raymond, Armond, Ron, Miggy, KCee at Mark nang akmang aakyat ng stage ang mga fans ng unti-unti nang sumisikat na boy band.

Mabuti na lang at mabilis itong naawat  ng mga masisipag na security guard ng mall, dahil kung hindi ay baka hindi na natuloy ang pagtatanghal ng Upgrade at ng iba pang artists.

 

WAGI ANG pambato ng Saint Louis University na si Alyssa Ashley Calimlim, 17, at Butch Ramos, 17, ng Panpacific University North Philippines sa katatapos na Mr. & Ms. Olive-C Campus Model Search 2012-2013 Northern Luzon. Sila ang magiging representative ng Northern Luzon sa national search ng Mr. & Ms. Olive-C Campus Model 2012-2013 na gaganapin sa January 26, 2013. Ang Olive-C ay isa sa mga produkto ng Psalmstre Enterprises Inc. na gumagawa ng mga dekalidad na produktong pampaganda gaya ng Advanced New Placenta beauty products and Glutamin soap.

<i>Lumabas na naman ang kamalditahan</i><br>Marian Rivera, dinedma si Karylle sa harap ni Zsa Zsa Padilla!

Dinaluhan ito ng President and CEO ng Psalmstre na si Mr. Jaime Acosta at ng reigning Mr. and Ms. Olive-C 2012, grand winners na sina Aljohn Lucas at Rohama Rearte.

 

TAMPOK SI JC de Vera sa Mandurugo episode ng Third Eye, mapapanood 9:30 p.m. sa TV5. Isang uri ng bampira ang mandurugo, kaya hindi basta-bastang role ang gagampanan ng aktor dahil may itinatago siyang lihim at malagim na nakaraan.
Makakasama ni JC ang bida ng horror series na si Eula Caballero bilang si Cassandra, si Daniel Matsunaga bilang si Lucas at si Victor Silayan bilang si Adrian.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING