Luis Manzano, walang hiya-hiya!

ADVERTISING

Luis Manzano, walang hiya-hiya!

KUNG MINSAN TALAGA, hindi mo maispeling ang tao, ‘no? Nagtatanong, tapos, ‘pag sinagot mo, ayaw namang maniwala.

ADVERTISING

Tulad nito…

“Mama Ogs, totoo ba ‘yung ke Anne Curtis, meron din daw sex video with Hayden Kho?”

“Hindi totoo. Kung totoo ‘yan, eh, ‘di ang dami nang nagsabing napanood na nila. Ikaw, napanood mo na ba?”

ADVERTISING

“Hindi pa.”

“Eh, ‘di hindi totoo.”

“Nge! Totoo raw, eh!”

‘Kalokah, ‘di ba? Nagtanong pa, eh, ‘yun din palang alam niya ang gusto niyang isagot ko.

ISA LANG ANG nasisiguro namin. Wala nang babaeng interesado pang makipag-churvahan ke Hayden Kho pagkatapos mabuko ang kanyang “modus operandi.”

Puwedeng makatisod ulit siya, pero wais na ang girl. Sisipatin na niyang maigi ang kuwarto kung me “hayden camera.”

Baka nga kahit window type na aircon, pagdudahan na rin ng babae. Kasi nga, laging nasa eksena ang aircon, eh. Baka ang maging requirement ng babae, “Kailangan, mag-sex tayo du’n sa electric fan lang ang gamit natin!”

Kitam, Hayden. Dahil sa kagagahan mo, ang dami na tuloy requirements na hihingin na sa ‘yo. Hehehe.

“NAKO, ‘TEH, TYPE na type ko talaga si Luis Manzano!”

‘Yan ang kumpisal sa amin ng isang friend naming make-up artist ng Flash Bomba. Ba’t niya type?

“Juice ko, ‘yung batang ‘yon, walang kaarte-arte sa katawan. ‘Pag magbibihis nga ‘yan, walang hiya-hiya, kahit naka-briefs lang siya na nakikita ng mga tao, wala siyang pakialam.

“In fairness naman kasi, kung ako naman na gano’n din kaganda ng katawan at flawless pa, eh, I will flaunt it, ‘no! Eh, ang nakakalokah pa ke Luis, nakita mo na ba ang katawan niya, lalo na ang dibdib niya?

“Naku, ‘teh, super pinkish ang nipples niya, ang ganda pa ng dibdib. Tutuwad talaga ako d’yan, promise! Hahaha!”

Lalo pang nanakam ang bading nu’ng ikuwento naming, “Alam mo ba ‘yang si Luis, one time, ipinakita niya sa amin ang kanyang celfone at meron siyang picture doon na nakatalikod at naked siya.

“Ang kinis at walang kakamot-kamot ang puwet, in fairness!”

“Ah, talaga?” Napalunok ang bakla. “Eh, ‘yung harap, meron bang ipinakita?”

“No comment!”

“WALA NAMANG NANUMBALIK, in fairness. Magkaibigan na kami ni Jomari (Yllana), eh. And happy si Andrei, dahil magka-work kami ng daddy niya!” Sey ni Aiko Melendez nu’ng makausap namin sa radio.

“Kissing scene? Ay, wala. Siyempre, si Andrei would understand, dahil kami ang parents niya, eh, pa’no naman si Marthena, ‘di ba? We’re just playing as parents of Angelina, si Ogie Alcasid. Hanggang du’n lang!”

Feeling namin that time, sobrang love ni Aiko ang acting mayor ng Bulacan, Bulacan, si Mayor Patrick Meneses, kaya hindi siya pumayag na me kissing scene sila ni Jom.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM radio at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING