Luis Manzano, trying hard na inili-link pa rin kay Angel Locsin

Luis Manzano, trying hard na inili-link pa rin kay Angel Locsin

Luis Manzano and Angel Locsin
Luis Manzano and Angel Locsin

Kaloka kung totoo man ang balitang nakarating sa amin. Trying hard na or shall I say pilit na pilit na inili-link pa rin si Luis Manzano sa buhay ni Angel Locsin.

Sa isang showbiz online portal ng isang TV Network, halos lahat ng anggulo ay pigang-piga na gusto pa rin nilang gawan ng koneksyon ang aktres at ang kanyang ex-boyfriend.

Sabi nga ng mga beki sa isang gay chatroom: “Trying hard na para maging masculine ang dating ng tsika. Di ba wa na nga talk si Angel sa split up nila ni Luis, para tumigil na? Saan pa ang hinalukay na mga kaekatan na isinasama pa an pangalan ni Luis sa pagbabagong buhay ni Angel?

“Tama na no! Masyado na trying hard para hindi lumabas ang sisi na kay Luis Manzano o si Luis ang dahilan ng hiwalayan.

“The fact na split na sila at tahimik na ang buhay ni Angel Locsin, para saan pa na i-link muli ang TV host sa aktres? Ano ito, imaging ni Luis para hindi sa kanya mapunta ang sisi at para mamatay ang dapat mamatay kung ano man ang mga Secrets of Pura or mga Lihim ng Guadalupe?”

Galit ang isang grupo ng mga beki na close sa aktres na masyadong nasaktan si Angel sa ipinalalabas ng ibang kampo na siya ang sinisisi.

“Kung pwede lang magsalita, magsasalita ako. Ako naman e hindi pikon. I’m very transparent. Yes, I admit, I’m 100% gay. Kung alin ang totoo, yun ang malalaman mo na walang cover-up. Yes, yong totoo lang, ” sabi nito.

Sa ganang akin, tila may mensaheng gustong itawid ang beking kaibigan na nakilala namin sa isang chatroom. Gusto niyang iparating sa lahat ang mensahe na kung bakla ka, for sure getz mo na ang gusto niyang itawid na sitsit.

Reyted K
By RK VillaCorta