Luis Manzano, takot paglaruan kaya umatras sa movie nila nina Vilma Santos at Angel Locsin

Luis Manzano, takot paglaruan kaya umatras sa movie nila nina Vilma Santos at Angel Locsin

Luis-ManzanoOKEY NA at sexy na si Governor Vilma Santos-Recto nang humarap sa press launch ng Ala Eh! Festival ng Batangas na gagawin sa Taal, simula sa December 1-8.

“I’m better. Maybe because… talagang na-drain na and napagod na rin. At talagang naningil… ingat din kayo. Talagang naniningil sa sobrang pagod. Stress.

“But ang nag-trigger siguro, when Ate Aida (Fandialan) left us. So doon bumaba ang immune system ko. Doon naging sickly ako and I thank God, okey na, God si good! Okey naman lahat,” bungad ni Ate Vi.

Sinamantala na rin ng press, ang isyu sa pagpapakasal ng anak na si Luis Manzano kay Angel Locsin at kung hihilingin niya sa Lipa, Batangas maganap ang kasalan tulad ng pagpapakasal nila ni Senator Ralph Recto.

“No, it’s their decision. Hindi ako. Kung saan sa tingin nila na sila’y matuloy na makasal, decision nila ‘yon. If they want in Batangas, better. Kasi ako, doon ako ikinasal at sa ngayon, kami ni Ralph, 28 years na. So baka may suwerte. So, depende na kay Luis at kay Angel and desisyon,” say ni Ate Vi.

Huling term na ni Ate Vi as Governor ng Batangas ngayon at gusto niyang tapusin ang termino bilang gobernadora.

After ng term ay gusto niyang bumalik uli sa showbiz bilang producer at makagawa muli ng pelikula. In fact, may project na sisimulan si Ate Vi sa Star Cinema na pagsasamahan nila ni Angel Locsin na intended for Mother’s Day sa 2015.

Hindi matanggihan ni Ate Vi ang movie dahil maganda ang story at kakaiba sa mga nagawa na niyang pelikula.

“Yes, super ganda ng story, maski ang character ko, naiiba. I told them something new. Pati ang buhok ko, babaguhin. Parang Meryll Streep ang character ko,” say pa ni Ate Vi.

Orginally, ito rin sana ang project na pagsasamahan nila ng anak na si Luis Manzano at Angel. Hindi pumayag si Luis dahil malaki ang respeto niya sa relasyon nila ni Angel.

Ayaw na ayaw raw ni Luis na mapaglaruan o maging komersyal ang relasyon nila ng actress.

Sa isyu naman na gusto na raw niya magkaapo kaya wala siyang tutol mag-asawa na si Luis, “Oo, totoo! Hahaha! Nu’ng araw, medyo aayaw-ayaw pa ako. Pero ngayon gusto ko na. Hahaha!

“Kasi si Lucky is 32 years old na, kung sila ni Angel, nasa tamang edad na rin si Gel (tawag ni Ate Vi kay Angel). Nu’ng nagdi-dinner kami, lagi kong sinasabi, “Anak, sige na! Hahaha! Gusto ko nang makakita ng baby. So… but, at the end of the day, nasa kanila. Kung pagpapalain at mayroon na at sanay matuloy na, definitely, nai-excite ako,” paliwanag ni Gov. Vilma.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo