Luis Manzano stays overnight at Jennylyn Mercado’s house?!

ADVERTISING

Luis Manzano stays overnight at Jennylyn Mercado’s house?!


Luis Manzano stays overnight at Jennylyn Mercado’s house?!NALOKA KAMI SA
tila patawang sagot ni William Martinez sa amin na ‘di naman kami natawa nang tanungin namin s’ya kung p’wede ba s’yang ma-interview ng kasama naming writer, kahit sandali lang, habang naghihintay sila ni Snooky Serna sa backstage ng Resorts World Manila’s Newport Performing Arts Theater, kung saan ginanap ang 27th Star Awards for Movies last Tuesday night.

Sina William, Snooky at Richard Gomez ang tatlo sa ilang original Regal Babies na nag-present ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera para kay Mother Lily Monteverde.

Anyway, ang sagot ng dating matinee idol sa amin ay kung “isang taon o isang araw” ba raw ang itatagal ng interview sa kanya. Dinedma na lang namin ang hirit ni William at ipinakilala na namin ang mag-i-interview sa kanya.

Matapos ang interview portion sa estranged husband ni Yayo A-guila, ikinuwento sa amin ng writer na nawindang daw s’ya sa aktor, dahil bigla na lang daw ginagaya nito ang pagtawa n’ya.

ADVERTISING

Ipinaliwanag pa raw ni William sa manunulat kung bakit Nokia 5110 ang ginamit n’yang cell phone. Malaki raw kasi ang font ng naturang telepono, kaya ‘yun ang gusto n’yang gamitin. Ilang beses na rin daw kasing nawalan ng cellphone ang aktor na milyon diumano ang halaga na ikinagulat ng writer at hindi makapaniwala.

Anong brand kaya ng mobile phone ang nanakaw o nawala kay William na worth a million pesos? Meron ba talagang gano’n kamahal na telepono? Nakakalurkey, ha!

Kinaya-kaya ng powers ni Cookie ang pakikipag-tsikahan kay William nu’ng gabing ‘yon?

 

MAY NAG-TSIKA SA amin na mag-dyowa na raw talaga sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado, taliwas sa sinasabi nilang nasa getting-to-know at dating stage pa lang sila. Kung totoo man ito, si-guro nga ay ayaw pang aminin ng dalawa sa publiko kung talagang may namamagitan na sa kanila para hindi sila pagpiyestahan.

Naalala namin tuloy ang reply sa amin ng TV host-actor nu’ng i-text namin ito para humihingi ng permiso sa kanya na makunan sila ni Jen ng litrato habang nagti-training ng Muay Thai at Jujitsu at the same time, “Naku, malabo! Alam mo naman, ‘di namin shino-showbiz eh, hehehe!”

At ito pa, “Hahaha I highly doubt also na Jen would say yes, ayaw talaga naming i-showbiz e,” kasunod na text ni Luis sa amin.

Heto naman ang sagot ni Jen thru her manager, Becky Aguila, nang i-paalam namin ang pagkuha sana ng litrato sa kanilang dalawa, “Ako ok lang. Kung ok kay Luis, ok lang din sa ‘kin kasi wala namang masama sa training.”

Pinadala namin ang sagot ni Jen kay Luis, pero dedma na ito.

At dahil sa balitang mag-on na raw ang dalawa, gaano naman kaya katotoo ang isa pang tsikang aming nasagap na minsan daw ay madaling-araw na diumano kung umaalis ng bahay ni Jennylyn si Luis ‘pag dumadalaw ito sa aktres?

May nagbulong sa amin na after hosting Pilipinas Got Talent on Saturday and Sunday nights, dumidiretso na raw agad ang anak ni Gov. Vilma Santos-Recto sa bahay ni Jennylyn para dumalaw.

 

BLIND ITEM: HOW true at sino itong sikat at magandang young actress na ayon sa bulung-bulungan sa loob ng kanyang kinabibilangang TV network ay nagdadalang-tao diumano?

Walang dudang magaling u-marte ang dalagang ito, kaya naman hindi ito nawawalan ng TV projects at patuloy natin s’yang napapanood sa isang palabas na isa sa top-rating programs ng kanyang istasyon.

 

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com.Follow me on Twitter, too, @francissimeon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING