Luis Manzano, pinag-aaralang mabuti ang pagpasok sa pulitika

ADVERTISING

Luis Manzano, pinag-aaralang mabuti ang pagpasok sa pulitika

Luis-ManzanoUNTIL THIS very moment ay undecided pa rin si Luis Manzano kung tatakbo siya sa public office sa 2016 election. Ang concentration daw muna niya ngayon ay sa The Voice Kids 2 na magkakaroon na ng semi-final round sa Sabado at Linggo sa Resorts World Manila.

“Magagaling ang 6 semi-finalists. Tinuruan ko sila kung paano kumanta at bumirit. Hahaha!” biro pa ni Luis.

Eh, kelan ba talaga siya mag-a-announce ng pagtakbo?

“Matagal pa naman ang filing of candidacy, bago ‘yon, sasabihin ko naman,” hirit pa niya.

ADVERTISING

Tinanong namin siya na hindi kaya hinihintay muna niya ang desisyon ng mommy niyang si Gov. Vilma Santos kung tatakbo ba talaga itong mayor ng Lipa bago siya magdesisyon. Ang sagot niya, “I don’t need to rely on other people’s decision kung may gusto akong gawin. But right now, pinag-aaralan ko pang mabuti ang mga bagay-bagay.”

Samantala, wala nang sey ang The Voice Kis coaches na sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo kung sino ang mananalo sa semi-finals at mag-a-advance para sa grand finals. Lahat daw kasi ‘yon ay nakadepende na sa text votes ng taumbayan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING