Luis Manzano, pakakasalan si Angel Locsin ‘di dahil sa boto

ADVERTISING

Luis Manzano, pakakasalan si Angel Locsin ‘di dahil sa boto

Luis-Manzano-Angel-LocsinBARKADAHAN ANG turingan ng buong cast ng Moron 5.2 The Transformation nina Luis Manzano, Marvin Agustin, Billy CrAwford, Matteo Guidicelli, at DJ Durano sa isa’t isa na dinirek ni Wenn Deramas. Ayon sa box-office director, si Luis ang pinaka-alaskador sa grupo pero witty kapag nagbitiw na ito ng dialogue.

Maugong ang balita tatakbong mayor or gobernador si Luis sa Batangas. “‘Yung position, wala pa. Batangas kasi is very close to my family,” aniya.

Wala pa raw final, nakikipag-usap pa rin siya sa mga taong malaki ang maitutulong sa kanyang political career tulad ng kanyang mom na si Governor Vilma Santos, Tito Ralph Recto and Daddy Edu Manzano. Maging si Angel Locsin, nakasuporta sa pagpasok nito sa politika.

If ever tatakbo si Luis sa Batangas, hindi raw niya iiwanan ang showbiz. “Definitely I have to slow down, kung sakaling tumakbo ako. Sabi ko nga, kung sakali man na tatakbo ako. Na ang mga botante ipagkakatiwala sa akin ang kabuhayan nila, self care nila, mga daan nila, mga trabaho nila, napaka-unfair ‘yun kung hindi ko gagampanan nang maayos ang responsibilidad ko sa mga mamamayan ng Batangas.”

ADVERTISING

Nabalita ring may kumausap raw na businessman/politician kay Luis na pinatatakbo itong governor ng Batangas, how true? “Marami akong naririnig na ganu’n pero ‘yung proposal, wala pa.”

May nagsasabing puwede raw tumakbong senador imbes na mayor or governor si Luis, ano comment niya tungkol dito ? “Mas naniniwala ako sa local position. Hindi ko nakikita ‘yung sarili ko… Mas naniniwala akong direkta ‘yung tulong ng local, ‘di ba? I understand, we have a greater responsibility, we respect that. Sa akin, iba ‘yung tutok, iba ‘yung direktang tulong ng isang local official sa mga nasasakupan mo. “

Likas kay Luis na mapagbiro kahit sa Instagram account niya ay nagpo-post ito ng kanyang throwback video. “Kapag wala akong magawa, nagre-research ako ng mga videos ko. Kengkoy ako nu’ng bata ako. Sa Instagram, sinasabi nila inaabangan nila every day ‘yung mga videos ko. Kasi naman hindi ako guwapo na nagpapa-selfie. Hindi ako ‘yung guwapong Piolo Pascual na nag-selfie, kinikilig lahat. Baka mainis sa akin ang mga tao,” natatawang sabi ni Luis.

Si Angel, naisip ba niyang pumsok sa politika? “Para siyang hindi. Alam niya ‘yung stress. Ako nga rin, ako ko ‘yung stress na papasukin ko. All out support naman siya sa akin. In fact, nu’ng medyo naglalabasan na nga ‘yung issue na may balak akong tumakbo. Sabi niya, tumakbo ka, ito ang magandang gawin d’yan,” tugon ni Luis.

Sabi ni Luis, aside sina Anne Curtis, Jennylyn Mercado and Angel Locsin nagkaroon rin siya ng dalawang girlfriend nu’ng nasa college siya at alam daw ito ni Angel. Every year pala nagse-celebrate sina Luis at Angel ng kanilang anniversary. “Marami rin akong nagawa kalokohan noon, hindi ako magmamalinis,” wika ng binata.

Palibhasa pareho seryoso sina Luis at Angel sa kanilang love relationship. Pinaghahandaan na nila ang kanilang future. May tsika sobra-sobra na ang naipon ng hunk actor kaysa sa actress kaya’t hindi malayo magpakasal na ang dalawa. “Maraming pera sa akin si Angel. Totoo naman ‘yun. TF, endorsement namin, ang layo… The way I know her, she’s very logical. Okay, ito ang pag-aari mo, ito ang pag-aari ko. I see the point. Angel, kaya nga 7 years in the making ang love story namin. Lahat ng pinagdaanan namin before, we found each other.”

Your theme song ? “Wala kaming official theme song. Ang ginawa ko na lang theme song “Forever More” ng Side A. ‘Yun na lang, kusa lang ‘yung nu’ng birthday ko, ginawa ni Angel. Ang surprise niya sa akin, pinatugtog niya ang Side A sa bahay ko.”

Napag-uusapan na rin nina Luis at Angel kung ano klaseng wedding ang gusto nila. “Sabi ko nga, sobrang intimate lang ng wedding namin. Of course, church wedding pero maganda rin ang beach wedding dahil naka-attend na ako ng beach wedding ngng ikasal ‘yung friend ko.”

Kailangan mangyayari ang marriage proposal ni Luis kay Angel? “Huwag muna, ang gandang pakinggan. Ang dami niyang ginagawa, may two movies siyang gagawin. Siguro engagement muna, maybe next year.”

Agad kayang magpakasal ang dalawa bago tumakbong mayor/governor si Luis ng Batangas? “Nakaka-unfair naman, ginamit lang si Angel para tumakbo. Magpapakasal ako dahil mahal ko ‘yung tao, hindi dahil para lang magmukha kaming pamilya sa mga taong botante,” pahayag ni Luis Manzano.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING