Luis Manzano, napikon sa pambabastos ni Enrique Gil?

Luis-Manzano-Enrique-GilANG PANGUNGULIT daw at pambabastos kina Jessy Mendiola at sa ka-loveteam nitong si Liza Soberano ni Enrique Gil na lasing daw sa loob ng eroplano patungong London ang dahilan kung bakit napagsabihan ni Luis Manzano ang young actor na siyang ikinagalit nito.
Ayon nga sa naging pahayag ng nakakita sa insidente, sinabihan daw ni Luis si Enrique ng, “‘Yung alak, ‘wag ilagay sa utak.” Na naging dahilan para hamunin daw ni Enrique si Luis na hindi na pinatulan ng anak ni Gov. Vilma Santos.
At habang inaawat daw ito ng mga kasama nila sa trip, ang ka-loveteam naman nitong si Liza at si Jessy ang napagbalingan diumano ni Enrique at pinagmumura, dahil hindi siya pinapansin na hindi na rin pinansin ng dalawang young actress dahil lasing daw si Enrique.
Hanggang sa makarating daw sila ng London, maingay at makulit pa rin si Enrique na sinasaway ng kanyang mga kasama. Mabuti na nga lang daw at nakapasa pa rin ito sa Immigration at hindi napuna ng mga opisyales ng Immigration. Bukas ang aming pahina para sa magiging pahayag naman ni Enrique.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKen Chan, ‘di napigilang maiyak sa presscon ng teleserye
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 112 September 14 – 15, 2015

No posts to display