Luis Manzano, nang-insulto ng bading

ADVERTISING

Luis Manzano, nang-insulto ng bading

Luis-ManzanoSA TOTOO lang, aliw ako kay Luis Manzano lalo na kapag nagho-host siya ng isang show. Bibo. Nagpapatawa at hindi boring tulad ng ama niyang si Edu na kahit saan mo ilagay at klase ng porma ng hosting job, nairaraos nila pareho na hindi ka maiinip. May pinagmanahan naman kasi. Ang ama niyang si Edu, isa sa hinahangaan naming host sa industriya bukod sa pagiging artista nito.

Pero napansin ko lang minsan sa Instagram account ni Luis (@luckymanzano) na tila na-overboard siya para kutyain, pahiyain ang isang kapatid na beki na hindi naman gasino kagandahan na ipinost niya ang before and after photos ng kapatid sa pananampalataya na biro man ang gusto niyang itawid ay pangungutya ang dating sa amin.

Nagkomento kami sa posting niyang ‘yun na hindi namin nagustuhan. Wika ko, “Nang-iinsulto ka ba?” Gusto niyang magpatawa, pero nakaiinsulto.

After a few minutes, binalikan ko ang posting niyang ‘yun. Dinelete ni Luis ang litrato na pati ako bilang follower niya sa IG, naka-block na rin.

ADVERTISING

Akala ko, gentleman ang binata ni Edu at Ate Vi. Hindi pala. Ang layo pala niya sa ugali ng amang si Edu.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING