Luis Manzano, naghuhubad sa harap ng production staff

ADVERTISING

Luis Manzano, naghuhubad sa harap ng production staff

Luis-ManzanoPALIBHASA BAGO si Matteo Guidicelli sa grupo ng Moron 5.2 The Transformation, kaya’t madalas biruin ito nina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin at DJ Durano. “At first, medyo naiilang ako sa kanila dahil first time ko silang makakasama sa pelikula. Pinakamaloko sina Luis, Billy at Marvin, madalas nila akong paglaruan sa set. It’s fun working with them, enjoy talaga ako. Para nga lang kaming naglalaro sa set,” kuwento ng hunk actor.

ADVERTISING

Nakakaloka ang mga eksena ng Moron 5 nang maging super heroes sila. Sa costume nila, nakaka-distract ang bukol sa harapan nina Luis, Billy, Marvin, Matteo at DJ. Bakat na bakat ang kanotahan nilang lima. Mahihiya kang tignan, wala yatang brief ang mga ito nang pasuotin ni Direk Wenn ng super hero costumes ang Moron 5. Pinaka-dakota para sa mga nakasaksing production staff ay si Matteo, pangalawa lamang si Luis.

Walang kiyeme sa hubaran ang mga artistang lalaki ni Direk Wenn. Mismong sa harapan namin with the production staff nagbihis si Luis na naka-brief lang. Wala itong pakialam, hindi kasi malisyoso ang actor. Maging si Matteo nang lumapit kay Direk Wenn, pinapahawak agad ang nipple niya. Maging si Marvin ay ganu’n din agad na niyakap si Direk na para bang naglalambing. Palibhasa parang pamilya na ang turingan ng buong cast sa Moron 5, kaya enjoy sila sa pagtratrabaho. Hindi na raw nila naramdaman na last shooting day na kung hindi pa sinabi ni Direk Wenn Deramas.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING