Luis Manzano, naghihintay ng timing bago mag-propose kay Angel Locsin

ADVERTISING

Luis Manzano, naghihintay ng timing bago mag-propose kay Angel Locsin

Angel-Locsin-Luis-ManzanoSINABI NA ni Luis Manzano na kung may babae siyang ihaharap sa altar ay si Angel Locsin daw ‘yun at wala nang iba pa.

Sabi ni Luis, maramdaman lang daw niya na handa na talaga siyang mag-asawa ay kaagad na siyang magpu-propose kay Angel.

Kung mangyayari nga raw ang kasalan, very vocal nang sinabi ni Luis na tatlong anak ang gusto niya at magkaroon din sila ng kambal na anak. Napag-uusapan na raw nila ni Angel ang kanilang future pero wala pa raw talagang nakalatag na plano. Alam daw ni Luis na marami pang commitment at gustong gawin si Angel.

Sa part naman niya, gusto niya na makapag-ipon pa nang husto para mabigyan niya nang maayos at magandang kinabukasan ang magiging pamilya nila ni Angel.

ADVERTISING

Samantalang usap-usapan na rin ang napipintong pagpasok ni Luis sa pulitika sa 2016. At kung walang magiging aberya ay sa Lipa City siya tatakbo kung saan naglingkod ang mother niyang si Vilma Santos bilang mayor na ngayon ay kasalukuyang gobernadora ng Batangas.

All-out support naman ang ibibigay ni Angel kay Luis kapag pumasok na ito sa pulitika.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING