Luis Manzano, naghahanap na ng diamond ring para sa proposal kay Angel Locsin

Luis Manzano, naghahanap na ng diamond ring para sa proposal kay Angel Locsin

Angel-Locsin-Luis-ManzanoKUNG SINA Gov. Vilma Santos at Edu Manzano ang masusunod, gusto na nilang mag-asawa si Luis Manzano dahil gusto na nilang magkaapo. Sobrang naiinip na ang dating mag-asawa sa magiging apo nila. Nasa tamang edad na ang binata at financially stable na ito kaya’t puwede na itong lumagay sa tahimik. Ayaw madaliin ni Luis ang mga bagay-bagay lalo na pagdating sa kanyang personal life. Gusto nitong nasa ayos ang lahat bago siya mag-propose kay Angel Locsin. Marami pa raw silang commitment na dapat ayusin. Ito ang madalas sabihin ng actor/TV host.

Oo nga’t napag-uusapan na nina Luis at Angel ang tungkol sa pagpapakasal pero hindi ganu’n kaseryoso. Medyo matatagalan pa bago sila magpakasal. Gusto ng actor na maitayo muna ang dream house nila ng magaling na actress bago maganap ang kasalan. Siyempre magpo-propose muna si Luis kay Angel at mamamanhikan para personal na hingin ng binata ang blessing sa ama ni Angel.

Kung mangyayari ito, gusto ni Luis na maging intimate lang para sa kani-kanilang pamilya ni Angel. Kahit napakakalog, madaldal at palabiro ang binata, pagdating sa personal life niya, napakaseryoso nito. If ever, ayaw ni Luis ipagmakaingay ang gagawin nitong pagpo-propose kay Angel. May nag-tsika na nga sa amin na nagpapahanap raw ng 1 karat diamond ring worth million ang binata para ibigay sa actress sa oras na hingin niya ang kamay nito. Gusto ni Luis na maging special ang araw na ‘yun para sa kanilang dalawa ni Angel.

Ayon kay Angel, full of surprises si Luis. Nakati-thrill daw kasama. Kahit walang okasyon, mahilig magbigay ng gift ang binata. Napaka-caring, loving, malambing at napaka-sweet daw ng binata. Nag-level up na nga raw ang kanilang relationship at lalo nilang nakilala ang isa’t isa. Wish nga ng dalaga, si Luis na sana ang itinakda para maging future husband niya. Walang kontrabida sa kanilang pagmamahalan, boto ang kani-kanilang pamilya, kasal na nga lang ang hinhintay ng mga ito. Kailangan kaya? I’m sure, magiging wedding of the year ang kasalan nina Luis Manzano at Angel Locsin. Magaganap ba ito sa Batangas? ‘Yan ang ating aabangan 2 years from now…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield