Luis Manzano, maintained he’s courting Jennylyn Mercado!

ADVERTISING

Luis Manzano, maintained he’s courting Jennylyn Mercado!

Luis Manzano, maintained he’s courting Jennylyn Mercado!INAMIN NI LUIS Manzano ang nasulat namin na sa jujitsu class sila nagkakilala nang lubusan ni Jennnylyn Mercado.

ADVERTISING

Aminado si Luis na nagkasama na sila sa ilang shows noon ni Jen at doon  nagsimula ang kanyang paghanga sa aktres. “Kahit noong nasa kabila (GMA) pa siya, I’ve always been a fan of her beauty.
Ang isa pa sa revelation ni Luis ay ang pag-aming nasa dating stage sila ni Jen.
“Yes, we are dating,” sabi ni Luis.
Nilinaw rin ng binata ang isyung nag-date sila sa Bora.
“I think parang before Holy Week nag-Bora siya with her son and mommy. Tapos kami naman nag-Bora. After two days nagbalik siya with her family,” paliwanag ni Luis.
Ang nakakabilib kay Luis ay ang pagtatanggol niya kay Jen sa isyung dalagang ina ito.
“I don’t take it as a bad thing. Definitely every child is a blessing.  Ang masasabi ko lang sa ganon, eh, ‘di sana parang hinusgahan ang mommy ko. Siguro naman my mom raised me well at hindi ako naging pabigat.”

STILL ON JENNYLYN pa rin, tiyak na pag-uusapan ang tell-all interview niya sa isang magazine kung saan isiniwalat niya ang pag-aaway nila ni Dennis Trillo.
Sa pa-sample na bahagi ng 25-page interview ay ikinuwento ni Jen na kinaladkad siya ni Dennis matapos niya itong sampalin. Bigla na lang daw siyang ibinagsak sa semento ni Dennis dala ng matinding galit nito.
Sinabi rin ni Jen na hindi niya masikmura ang panlalait sa kanya ng binata noong nag-away sila.
Deadma lang naman si Dennis sa revelations ni Jen. Ang katuwiran niya, tapos na ‘yong chapter nila ng aktres at ayaw niyang balikan pa ito.
Sa revelations ni Jen ay may magtiwala pa kayang babae kay Dennis lalo pa’t sinabi ni Jen na sinaktan siya physically ng binata? At ano naman kaya ang maidudulot nitong harm sa career ni Dennis?

NOONG UNA AY hindi kami mas-yadong nagalingan kay Vice Ganda sa pilot episode ng kanyang chat show na Gandang Gabi Vice. Para pa kasi siyang na-ngangapa.Pero nang magtagal na ay lumitaw ang ang- king talino ni Vice Ganda sa pagpapatawa. Kuwela ang mga hirit niya lalo na ‘yung segment nila ni Angeline Quinto. Hindi niya kasi akalain na kikay rin ang singer bukod pa sa napakagaling
nitong kumanta. Hindi nga kinaya ng powers ni Vice ang mga hirit ni Angeline.
Ang maganda kay Vice, kanyang-kanya ang mga jokes. Kumbaga, original na original, kaya naman kuwelang-kuwela siya. At ang maganda sa bitaw niya, sobrang spontaneous.
AGA MUHLACH’S HALF-BROTHER AJ Muhlach is getting into showbiz as a matter of course. Gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang kapatid kaya super happy siya dahil nakasama siya sa Bagets ng TV5.
“Bata pa kasi ako idol ko na ‘yung kuya ko. Parang wow, gusto ko ring sumikat at gusto kong mapa-feel sa dad ko na maging proud din siya sa akin,” tsika ni AJ.
Sa Bagets ay gumaganap si AJ bilang third year high school student na athletic scholar. “Anak ako ni Bernadette Allyson. Kailangan kong ma-maintain ang scholarship ko.”
In real life ay second year college student sa UST taking up Applied Physics si AJ bago siya nag-artista. Sa ngayon ay huminto na siya sa pag-aaral dahil sa busy sked niya.
May pagkakapareho ang role ni AJ sa Bagets at sa kanyang real life.
“Ang parehas po namin ay ‘yung mom ko po sobrang mahal ko po. One time kasi, separated parents ko, na-experience ko na sa mom ko tumira. Ang pinagkaiba lang po nito sa akin, hindi ako athletic. Ang interest ko ay sa music.”

ADVERTISING

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING