Luis Manzano, iwas nang maugnay kay Angel Locsin

ADVERTISING

Luis Manzano, iwas nang maugnay kay Angel Locsin

Luis-Manzano-Angel-Locsin Angel-Locsin-Luis-ManzanoIWAS NANG pag-usapan ni Luis Manzano ang pag-uugnay na ginagawa ng iba sa kanila ng ex-girlfriend na si Angel Locsin dahil naniniwala siya na anumang bitawan niyang salita ay mabibigyan ng kulay ng ibang tao.

Aminadong bilang ex niya ay espesyal para sa kanya ang aktres. Tulad ng mga magagandang salita na binitawan ni Angel kay Luis na mabait itong tao, ayaw niyang makadagdag sa anumang pinagdaraanan din ni Luis at kaibigan ang turing niya dito kahit ‘di sila nagkakausap. Papuri rin ang mga sinabi ng actor/TV host kay Angel na maganda ito sa labas man at sa loob.

Aminadong kahit naman sino talagang manonood sa telebsiyon ay iisiping parang planado ang halos sabay na break-ups nila ni Angel, kung saan nahiwalay siya kay Jennylyn Mercado, samantalang si Angel naman ay kay Phil Younghusband. Siniguro ni Luis na purely coincidental lang talaga ang nangyari taliwas sa iniisip ng ibang tao.

Nang kumustahin namin kung nagkakausap pa sila ng ex na si Jennylyn, ‘hindi’ ang sinagot sa amin ng actor/TV host. Pero ayaw na ring pag-usapan pa ang kung anumang detalye ng paghihiwalay nila ng aktres lalo’t nabibigyan din ng masamang pakahulugan ng iba ‘pag nakapagsalita siya.

ADVERTISING

Sa tanong naman namin kung bukas ba siya sa posiblidad ng pakikipagbalikan sa mga naging ex niya, ayon kay Luis ay hindi siya nagsasarado sa anumang posibilidad. Dahil kung ang Diyos nga ay hindi nagsaasara ng pinto, sino pa ba tayong mga tao lang? Hindi nagmamadaling pumasok sa panibagong relasyon, para kay Luis kung may darating at magmamahal siyang muli ay laging bukas ang puso niya rito.

Masayang-masaya dahil nanalo bilang Best Game Show Host sa nakaraang 27th Star Awards for TV ng PMPC, wala mang girlfriend sa ngayon ay pokus si Luis sa kanyang career at sa kanyang pamilya na minsan ay tiyak na nababale-wala rin ng aktor ‘pag may kasintahan siya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING